Erwin Tulfo binarahan paglaya ng impostor na Usec

Giniit ni incoming Senator Erwin Tulfo na dapat manatili sa kulungan si JJ Javier, ang umano’y land grabber na nakakulong sa Camp Crame kaugnay ng mga alegasyong suhulan, illegal possession of firearms and explosives, at large-scale o syndicated estafa.

Ibinunyag ni Tulfo na may mga nakarating sa kanya na sinusubukan umanong suhulan ni Javier ang mga awtoridad para mapalaya at mabasura na ang mga kaso nito.

Ani Tulfo, “Hindi ito katanggap-tanggap. Nahuli siya dahil sa simpleng traffic violation, kung saan natagpuan ng pulisya ang isang C4 bomb at mga di lisensyadong baril sa kanyang sasakyan. Sinubukan niyang tumakas at may mga kaso pa siya ng estafa at pangangamkam ng lupa, kaya lalong di siya dapat hayaang makalaya,”

Matatandaang inaresto si Javier ng PNP-Highway Patrol Group (PNP-HPG) sa Parañaque City noong Hunyo 13, 2025. Ngunit napapabalitang tila nabasura ang kanyang mga traffic violations, sa kabila ng bigat ng mga armas na nakuha mula sa kanyang sasakyan.

Si Javier ay sinasabing nagpapakilalang Undersecretary at kaanak ng First Family.

Naalarma si Tulfo sa mga umuugong na balitang sumusubok na gumamit ng padrino si Javier kaya agad siyang sumangguni kay PNP Chief General Nicolas Torre III na siya namang mabilis na rumesponde.

Sinibi ni Tulfo, “Pumunta ako kay General Torre. Sabi ko ‘sir, baka pwedeng tulungan mo kami.’ Pinatawag niya ‘yung hepe ng HPG para masigurong di makakalaya iyan at siguradong tight ang ating ebidensya,”.

Sa interbensyon ni Gen. Torre, nagsampa na ng kaso ang Quezon City Prosecutor laban kay Javier para sa Illegal Possession of Explosives (non-bailable), Illegal Possession of Firearms, at Obstruction of Justice, na may kaukulang rekomendadong piyansa para sa iba.

Bukod dito, tiniyak rin ni Tulfo ang suporta ni Gen. Torre at ng buong PNP para sa demolisyon ng mga iligal na harang, bakod, at gate na umano’y itinayo ng kampo ni Javier sa kagubatan ng Doña Remedios Trinidad, Bulacan.

Itinakda ang demolisyon sa Martes, Hunyo 24.

Matatandaang naglabas ng utos si Tulfo sa Pamahalaang Lokal ng DRT, Bulacan at sa DENR Region III upang gibain ang mga iligal na istrukturang ito na nagdulot ng panggigipit at pagkalikas ng daan-daang magsasaka at residente sa lugar.

The post Erwin Tulfo binarahan paglaya ng impostor na Usec first appeared on Abante Tonite.

For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments