Nagprodyus ang 87th UAAP at 100th NCAA basketball, volleyball ng mga kuwento, na mahalaga sa mga atleta, at gaya ng kanilang mga coach na kaagapay nila para maabot ang kaluwalhatian.
Bilang pagkilala sa mga mahuhusay na isipan sa likod ng mga kampeong koponan, kikilalanin ng Collegiate Press Corps sila sa ‘Coaches of the Year’ sa San Miguel Corporation- 3rd CPC Awards Night 2025 sa Discovery Suites sa Ortigas, Pasig sa Hunyo 30.
Sa pangunguna sa UP Fighting Maroons sa basketball championship, itatalaga si Goldwin Monteverde na ‘UAAP Men’s Basketball Coach of the Year’ sa ikalawang pagkakataon sa kaganapang mga hatid din ng Philippine Sports Commission, Pilipinas Live at GMA. Wagi ang Diliman-based squad kontra De La Salle University sa Finals.
Ang isang pahina mula sa playbook ni Monteverde ay si Mapua University coach Randy Alcantara, na pumukaw sa Cardinals sa kanilang unang titulo sa loob ng 33 taon sa sa pagsilat sa College of St. Benilde Blazers sa senior hoops.
Ibinawi ni Alcantara, player pa sa back-to-back title ng Cards bago ang tagtuyot, ang team sa 99th finals na pagkatalo sa San Beda University. Siya ang tatanggap ng ‘NCAA Men’s Basketball Coach of the Year’ sa event na mga susuportahan din ng World Balance, E-Sports International, Centaur Marketing, My Daily Collagen at Buffalo’s Things.
Sa panig ng kababaihan, tinubos ng NU Lady Bulldogs ang sarili laban sa UST Growling Tigresses, na itinanggi sa kanila ang 8-peat noong 2023, salamat sa mentorship ni Aristeo Dimaunahan, giniyahan ang NU sa ikalawang titulo sa tatlong taon at siyang mag-uuwi ng ‘UAAP Women’s Basketball Coach of the Year.
Para sa volleyball, nagdomina ang NU Lady Bulldogs sinakote ang ikalawang sunod at ikatlong titulo sa apat na taon kontra DLSU Lady Spikers sa Big Dance, lahat sa patnubay ng matatag na si Sherwin Meneses.
Nakatakda niyang kunin ang ‘UAAP Women’s Volleyball Coach of the Year’, habang ang kanyang mabuting kaibigan at katapat sa NU men’s team na si Dante Alinsunurin ang ‘UAAP Men’s Volleyball Coach of the Year’.
Si Alinsunurin ang nag-akda ng makasaysayang five-peat ng Bulldogs matapos nilang hakbangan ang top-seeded na FEU Tamaraws sa Finals, 2-1, kung saan ang kanyang koponan ang naging unang nanalo ng limang sunod na gold sa torneo pagkaraan ng 12 dikit ng FEU noong 1946-1958.
Ang tema ng dominasyon ay kumalat pa women’s volleyball, kung saan nasungkit ng Benilde Lady Blazers ang four-peat pagkawalis sa Letran Lady Knights sa finale.
Sa likod ng sunod-sunod na titulong ito sa taktika ni Jerry Yee, na ginabayan ang mga player kahit bilang consultant, sakto sa kanya ang ‘NCAA Women’s Volleyball Coach of the Year’.
Ang huli pero hindi ang pinakamaliit ay ang pambihirang kampeonato ng Arellano Chiefs sa men’s volleyball sa pangunguna ni Bryan Vitug, na gumabay sa paaralan sa unang titulo mula noong sumali sa liga noong 2009. Sa kanya mapupunta ang ‘NCAA Men’s Volleyball Coach of the Year’.
Seeded third pagkatapos ng eliminations, nalampasan ni Vitug aang twice-to-beat disadvantage laban sa no. 2 seed Mapua sa semis at winalis ang Letran Knights sa championships. (Abante Tonite Sports)
The post Mga tigasing coach ng 2 liga pasok sa SMC-CPC Awards first appeared on Abante Tonite.For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments