100 taon ng pagbibigay ng pagkakataon sa bawat atleta na gawing katotohanan ang kanilang mga pangarap.
Pagkakakalooban sa 3rd San Miguel Corporation-Collegiate Press Corps 2025 Awards Night ng Special Citation ang National Collegiate Athletic Associationbilang pagkilala sa century feat of excellence o pinakamatandang collegiate league ng bansa sa Hunyo 30.
Sa sentenaryo nitong taon, patuloy ang ‘Grand Old League’ sa collegiate sports excellence, hinahasa ang mga kakayahan ng bawat naghahangad na atleta sa iba’t ibang disiplina ng palakasan mula sa mataas na paaralan hanggang sa antas ng kolehiyo.
Sa temang “Siglo Uno: Inspiring Legacies,” higit na binago ng NCAA Season 100 ang mga laro na sumasaklaw sa mga henerasyon, na nagbunga ng mga natatanging atletang nagdala ng puri at karangalan sa bansa.
Binubuo ng 10 mga paaralan, ang NCAA ang naging mapagkukunan ng ilan sa mga pinakamahuhusay na manlalaro ng basketball sa bansa na ngayon ay may kulay sa PBA, international leagues at Gilas Pilipinas national team.
Ang liga ang nagsilbing tahanan ng mga alamat tulad nina Carlos Loyzaga, ang unang Filipino FIBA Hall of Famer at King Lion mula sa San Beda University noong 1950s, at Lauro Mumar ng Colegio De San Juan De Letran, isang two-time Asian Basketball champion na nagkataong mula sa parehong dekada ng ginintuang panahon ng NCAA.
Sa Season 100 nito, nakita ng NCAA basketball tournament ang Mapua University na tinapos ang 33-taong tagtuyot sa titulo sa pagpigil sa back-to-back championship ng Beda.
Bago sumali sa UAAP, unang umusbong din sa NCAA ang klasikong tunggalian ng Ateneo de Manila University at De La Salle University. Nagtatampok na ito ngayon ng isang equally iconic na Beda-Colegio De San Juan De Letran showdown.
Bagama’t kilala ang NCAA sa kadakilaan sa basketball, ang sentenaryo nitong taon ay nakakita rin ng maraming tagumpay mula sa iba’t ibang unibersidad sa iba’t ibang palakasan.
Inagaw ng Arellano University ang kauna-unahang men’s volleyball title nang takasan ang Letran sa isang nakakapagod na serye, habang sa women’s volleyball ay pinalawig ng De La Salle- College of Saint Benilde ang championship streak sa apat.
Iniladlad din ng San Beda ang kahusayan sa football matapos makamit ang hat trick at dominahin ang swimming tournament nang inangkin ng men’s team ang ika-21 sunod na korona habang ang mga babaeng katapat ang sumungkit ng ika-11 sunod na titulo.
Paparangalan ang NCAA, pinamumunuan ng Season 100 host Lyceum of the Philippines University, sa kaganapang mga susuportahan ng Philippine Sports Commission, Pilipinas Live at GMA, Discovery Suites-Ortigas Pasig, World Balance, E-Sports International, Centaur Marketing, My Daily Collagen at N’ Things sponsors minor.
Sa huling bahagi ng buwang ito, magkakaroon din ang NCAA ng kauna-unahang Esports tournament, na nagpapatunay na ang liga ay umaangkop sa pabago-bagong tanawin ng Pilipinas at mundo ng palakasan. (Abante Tonite Sports)
The post NCAA bibida sa 3rd SMC Collegiate Press Awards first appeared on Abante Tonite.For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments