Patuloy ang ingay!

Balik Kongreso na ang mga mambabatas mataposang mahaba-habang bakasyon.

Makalipas ang ingay ng 2025 Midterm Elections nasinabayan pa ng mga piyesta at mga paliga sa mgalungsod at kanayunan maghihintay na naman angbayan kung kalian ulit nila makikita ang mgapulitikong nangako ng magandang buhay para salahat.

Ngayong Lunes sa pagbabalik sesyon ang 19thCongress, ano kaya ang nakalatag sa plenaryokapwa ng Senado at Kamara.

Baka magpatuloy na naman ang mga walangkabuluhang ingay. Ingay na dala ng pulitika para sa mga pansariling interes ng mga inihalal ng bayan.

Ang daming naiwang panukalang batas na lubhangkailangan ng taong-bayan isa na rito ang pagtaassa minimum na sahod ng mga manggagawa.

Harinawa ang ingay na maririnig natin ay makakatulong sa taong-bayan.

Baka ang dumagundong na ingay sa kapwaplenaryo ng Senado at Mababang Kapulungan ay ang pagsusulong ng leaderhip change.

Dahil sa nakalulungkot na resulta ng 2025 midterm elections sa mga senatorial candidates ng Alyansaang nasisi ay ang Kamara dahil kung hindi dawipinilit ang ‘reklamong impeachment’ laban sa Vice President Sara Duterte ay hindi sana natalo saMindanao ang mga kandidato ng administrasyon.

Kaya usapin ng leadership change sa Kamara ay umugon.

Sa Senado naman ay umugong din ang isyu ng palit liderato dahil binago ni Senate President ChizEscudero ang naunang kalendaryo sa ‘reklamongimpeachment’ laban sa Ikalawang Pangulo.

Sa labas naman ng lansangan bukod sa ingay ng trapiko, inaasahan din ang mga pagkilos ng humihingi ng pagbabago.

Noong nakaraang Biyernes ang grupo ng mgaMarcos Loyalists ay nagpahayag ng kanilangpagkalas sa Pangulong Bongbong Marcos. Sapulong balitaan sa Lungsod ng Quezon sinabi ng grupo na ‘nagising na sila sa katotohanan’ at binabawi na nila ang suporta kay PBBM kasabay ng pahayag na ‘all out sila’ kay VP Sara all the way hanggang 2028.

Sana ang mga tunay na isyung pambayan tulad ng mataas na bilihin, kahirapan, kawalan ng trabaho, mababang pasahod, katiwalian, pagsasamantalang mga taong may hiram na kapangyarihan at ibapa ay hindi matabunan ng ingay ng politika.

The post Patuloy ang ingay! first appeared on Abante Tonite.

For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments