Pumalo na sa 370,282 indibiduwal o katumbas ng mahigit 120,000 pamilya ang apektado sa Hagupit ng Bagyong Crising at nananatili sa mga evacuation center dahil sa pananalasa ng habagat, ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Linggo, Hulyo 20.
Sa inilabas na weather bulletin ng NDRRMC, nasa 6,720 pamilya o katumbas ng 22,623 indibidwal ang kasalukuyang nananatili sa mga evacuation centers, habang 5,287 pamilya o tinatayang nasa 29,769 na indibidwal ang kasalukuyang nakikituloy sa labas ng evacuation centers.
Lumabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Crising noong Sabado pero patuloy pa rin ang pag-ulan sa ibang bahagi ng bansa dahil sa habagat.
Samantala sa datos pa rin ng NDRRMC, tatlong katao ang iniulat na nasawi habang tatlong iba pa ang sugatan.
Base sa situational report ng ahensiya nitong alas-kuwatro nang madaling-araw, ang dalawang nasawi ay mula sa Northern Mindanao habang ang isa ay sa Davao region.
Ang tatlong sugatan naman ay pawang mula sa SOCCSKSARGEN.
Mayroon ding tatlo pang iniulat na nawawala ayon pa sa NDRRMC, habang ang mga naiulat na casualties ay patuloy pa ring bineberipika. (Edwin Balasa)
The post Higit 120K pamilya bakwit sa Bagyong Crising, habagat – NDRRMC first appeared on Abante Tonite.For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments