Hindi si Recto ang gumawa ng batas

Muli na namang naging sentro ng batikos si Finance Secretary Ralph Recto. Ang isyu ngayon ay ang buwis sa interest income ng ilang long-term deposits batay sa Capital Markets Efficiency Promotion Act o CMEPA. Marami ang napa-react. Marami rin ang agad nagturo sa kanya na tila ba siya ang may pakana ng bagong buwis.

Pero makatarungan ba ang sisi kung ang ipinapatupad lang ay batas na hindi naman niya ginawa?

Ang CMEPA ay ipinasa ng Kongreso noong 2023. Wala si Recto sa Department of Finance noong mga panahong iyon. Bilang kalihim ngayon, tungkulin niyang ipatupad ang anumang umiiral na batas. Kung hindi niya ito ginawa, mas malaki ang problema dahil maaari siyang managot sa kapabayaan.

Sa ilalim ng CMEPA, ang interest income mula sa long-term bank deposits na winidro o pre-terminated bago ang limang taon ay papatawan ng flat na 20 porsiyentong final tax. Pero bago pa man ito naisabatas, may umiiral nang buwis sa ganitong interest income. May 20 porsiyento sa mga depositong mas mababa sa tatlong taon, at bahagyang mas mababa naman kung nasa pagitan ng tatlo hanggang lima. Ang bago lang sa CMEPA ay ang pagsasaayos ng sistema. Pantay na ang rate, mas simple ang buwis, at wala nang lusot sa dating patakaran.

Kaya hindi makatwiran na si Recto ang pagbuntungan ng galit. Hindi siya ang gumawa ng batas. Ginagawa lang niya ang tungkulin niyang ipatupad ito bilang bahagi ng ehekutibo.

Kung may hindi tayo gusto sa batas, dapat itong idaan sa tamang proseso. Hindi si Recto ang dapat kalabanin kundi ang mga mambabatas na siyang nagpasok at nagpasa ng batas na ito. Sila ang may kapangyarihang baguhin ito kung gugustuhin nila.

Kung may galit man sa kanya dahil sa ibang isyu gaya ng PhilHealth fund transfer, ibang usapan na iyon. Pero sa usapin ng CMEPA, malinaw na wala siyang nilabag. Sumunod lang siya sa batas.

Habang abala ang publiko sa batikos, patuloy rin ang trabaho ng Department of Finance. Pinapalakas nito ang fiscal discipline, binabawasan ang utang, iniiwasan ang bagong buwis na pabigat sa mahihirap, at tinutulungan ang ekonomiya na manatiling matatag. Kung may dapat kilalanin sa mga tagumpay na ito, si Recto ang nararapat.

Ngayong malinaw na kung ano ang papel ng kalihim, panahon na para itigil ang paghusga sa mga opisyal na gumaganap lang ng tungkulin. Ang tunay na pagbabago ay nagsisimula sa tamang pag-unawa at pagtama ng sisi sa dapat sisihin.

The post Hindi si Recto ang gumawa ng batas first appeared on Abante Tonite.

For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments