Hindi ko palalagpasin ang pagkakataong ito para bigyang pugay ang isa sa mga kaibigan kong tunay na kahanga-hanga — si Mela Habijan, ang Miss Trans Global 2020, journalism coach, at inspirasyon sa maraming kabataan.
Kaka-graduate lang ni Mela — hindi ng isa kundi ng dalawang master’s degrees mula sa IE University sa Madrid, Spain: Master’s in Business Administration at Master’s in Creative Direction, Content, and Branding
At hindi lang ‘yan. Si Mela rin ay IE Asia Pacific Scholar, Dean’s Lister, Nominee for Best Student, Blue Torch Awardee for Academic Excellence at ng iba pang mga pagkilala.
Pero higit pa sa awards at diploma, ang ipinagmamalaki ko ay ang kabutihang-loob at dedikasyon ni Mela.
Kapwa kami trainer-coaches sa campus journalism. Minsan ko na siyang naisama sa isang training-workshop — kahit walang bayad, hindi siya nagdalawang-isip. Madalas din siyang mag-guest sa klase ko noon, lalo na sa kasagsagan ng pandemya. At sa online news program naming Balitang ATM, naging stand-in anchor siya kapag hindi available ang partner at isa ko pang kaibigan na si Cecille Villarosa. Lahat ng ‘yan, ginawa niya nang bukal sa puso.
Nakita ko kung gaano siya kapursigido. Kaya ngayon, sa tagumpay niya, buong puso akong proud.
May mensahe si Mela para sa mga kabataang LGBTQIA+, lalo na sa mga batang trans:
“Maniwala at manalig: WE ARE GLOBALLY COMPETITIVE! KAYA AT MAGAGAWA NATIN! Sa kabila ng mga taong may husga laban sa atin, panghawakan ang iyong talino at talento. Angkinin ang iyong pangalan at pagkatao.”
Dagdag pa niya, “Mag-aral. Magkamali. Matuto. Paghusayan.”
Aminado si Mela, “Our opportunities may be limited. We may not have a seat at the table. But through discovering and cultivating our best, we can build our own colorful tables and even design our beautiful thrones.”
Mula Madrid, Mela proved that no dream is too far for someone with courage, dedication, and a kind heart. Sa bawat hakbang niya sa stage ng graduation, dala niya ang dangal ng mga Pilipino, lalo na ang tinig ng mga trans at LGBTQIA+ community.
Mela, salamat. Salamat sa inspirasyon, sa kabutihan mo bilang kaibigan, at sa hindi mo pagsuko sa laban para sa pagkakapantay-pantay. Nawa’y mas marami pang kabataang Pilipino ang matutong mangarap — at lumaban — tulad mo.
Congratulations, Mela! Mabuhay ka.

For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments