Mga bumbero ikakalat sa SONA ni PBBM

Magiging bahagi ang Bureau of Fire Protection (BFP) para sa seguridad sa gaganaping ikaapat na State of the Nation (SONA) ni Pangulong Marcos Jr sa Hulyo 28, ayon kay Fire Director Jesus Fernandez nitong Miyerkules.

Sa isinagawang Meet the Press sa national headquarters sa Quezon City, sinabi ni Fernandez na ilang mga bumbero sa Metro Manila ang magsisilbing augmentation ng Philippine National Police (PNP) at mga sundalo sa pag-secure sa mga lugar at sa paligid ng Batasan Pambansa complex.

Inaasahang dadagsain ang SONA ng mga militante at iba pang mga cause-oriented groups ang Ever Gotesco sa Commonwealth Avenue patungong Batasan upang ipahayag ang kanilang mga hinaing at alalahanin laban sa kasalukuyang administrasyon.

Ilang firetruck din ang naka-standby kasama ang mga medical team ng BFP upang agad na matugunan ang anumang mga kaganapan.

Samantala, hinimok ni Fernandez ang publiko na i-dial lamang ang kanilang hotline sa oras ng kagipitan para sa mabilis na pagtugon.

“Sa ating mandato, makakaasa po kayo na tumawag kayo sa ating mga fire station, andun kaagad tayo, kahit na anong emergency po itawag nyo po sa atin,” pahayag pa ng BFP chief.

Sinabi naman ni BFP Deputy Chief for Operations (DCO) Supt. Rico Neil Kwan Tiu na makikipagtulungan ang ahensya sa mga mamamahayag para sa pagtataguyod ng transparency.

Binanggit din niya kung gaano kahalaga ang papel ng media sa pagpapakalat ng impormasyon na naglalarawan sa programa bilang isang mahusay na paraan para sa mas malakas na partnership. (Dolly Cabreza)

The post Mga bumbero ikakalat sa SONA ni PBBM first appeared on Abante Tonite.

For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments