2 tirador ng e-bike naispatan sa CCTV, nasakote

Dalawa katao ang kinalawit nang maispatan sa Closed-circuit television (CCTV) ang pangungulimbat nila ng e-bike kahapon ng madaling-araw sa Barangay Salapan, Lungsod ng San Juan, ayon sa San Juan City Police.

Kinilala ang mga suspek sa mga alyas na Hanz, 23 taong gulang, at Mimay, 25 taong gulang, kapwa residente ng Tondo, Maynila.

Batay sa ulat ng pulisya, dumating ang dalawang suspek sakay ng traysikel sa lugar kung saan naka-park ang dalawang e-bikes.

Gamit ang gunting ay pinipilit umano nilang harbatin ito.

Lingid sa kanilang kaalaman ay naispatan ng mga tagabantay ng Barangay Salapan ang kanilang ginagawa sa pamamagitan ng CCTV system ng barangay, dahilan upang agad itong i-report sa mga pulis.

Agad namang rumesponde ang San Juan PNP at naabutan ang dalawa habang tumatakas patungong Aurora Boulevard sakay ng mga e-bikes.

Makalipas ang maikling habulan, nabawi ng mga pulis ang dalawang e-bikes mula sa mga suspek, na may halagang P79,300 bawat isa, pati na rin ang gunting na ginamit nila.

Nakakulong ngayon ang dalawa sa San Juan PNP custodial facility habang inihahanda na ang mga kaukulang kaso laban sa mga ito.

The post 2 tirador ng e-bike naispatan sa CCTV, nasakote first appeared on Abante Tonite.

For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments