Kaya pa ba? Coco Martin,Kapamilya patuloy na lumalaban, bumabangon

Nagpasalamat ang l Primetime King Coco Martin sa lahat ng supporters at partners na patuloy na nagtitiwala sa misyon ng Kapamilya na ibida ang kwento ng mga Pilipino.

“Maraming pagkakataon na punong-puno ng pagsubok ang ABS-CBN. Maraming pagkakataon na iinisip namin kung makakayanan pa ba namin ito? Pero dahil sa aming mga Kapamilya at sa aming partners, patuloy kaming lumalaban, bumabangon, at ipagpapatuloy namin itaguyod ang ating istasyon para makapagbigay ng saya at inspirasyon para sa lahat ng Pilipino,” saad ni Coco.

Sa patuloy na pagdami ng manonood na tumututok sa Kapamilya Channel sa ALLTV2, ipinagdiwang ng ABS-CBN ang “ASAP Presents All2gether Kapamilya: A Grand Pasasalamat” kung saan malugod itong nagpasalamat sa viewers at partners noong Linggo (Peb. 1).

Nakasama sa special episode ang cast ng iba’t ibang ABS-CBN shows tulad ng “FPJ’s Batang Quiapo,” “ROJA, “What Lies Beneath,” at “It’s Showtime” na napapanood na sa ALLTV2 simula noong Enero at patuloy na minamahal dahil na rin sa pagsubaybay ngayon ng mas marami pang manonood sa nasabing channel para tangkilikin ang paborito nilang Kapamilya shows.

Ipinasilip din ang bagong Kapamilya shows na aabangan sa ALLTV2 ngayong taon tulad ng “Someone, Someday” nina Kathryn Bernardo at James Reid at “The Alibi: Ang Buong Katotohanan” nina Kim Chiu at Paulo Avelino.

Inanunsyo rin ang pagbabalik-tambalan ng New Gen Phenomenal Loveteam na sina Donny Pangilinan at Belle Mariano sa nalalapit nilang Star Cinema film na mapapanood ngayong taon. (RC)

Makisaya sa ikalawang bahagi ng “ASAP Presents All2gether Kapamilya: A Grand Pasasalamat” ngayong Linggo (Peb. 8), 11:55am sa Kapamilya Channel sa ALLTV2, Kapamilya Online Live, A2Z, iWant, at TFC.

The post Kaya pa ba? Coco Martin,Kapamilya patuloy na lumalaban, bumabangon first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments