Dahil sa pagsusumbong umano sa amo, dedo ang 44-anyos na lalaki nang pagtulungang bugbugin, barilin at isako ang ulo nito ng dalawang katrabaho saka itinapon ang bangkay sa tabing kalsada sa Tuy, Batangas noong Lunes ng madaling araw.
Natagpuan ang bangkay ng biktimang si alyas Rex, empleyado ng isang warehouse sa nasabing lugar, na nakabalot ng sako ang ulo sa Sitio De Guzman, Brgy Sabang noong Lunes ng madaling-araw.
Agad namang naaresto ng mga awtoridad ang dalawang katrabaho ng biktima matapos inguso ng mga nakasaksi sa krimen.
Batay sa imbestigasyon, napagbintangan umano ang biktima ng isa sa suspek na ito ang nagsumbong sa kanilang amo kaya natanggal sa trabaho ang isa nilang kasamahan.
Nang malaman ng isa pang suspek ay tumulong din ito sa pambubugbog sa biktima.
Hindi pa nasiyahan ang mga suspek ay binaril pa ang biktima na narinig ng kanilang mga kasamahan.
Tinakot ng mga suspek ang mga testigo at inutusan na isakay ang bangkay ng biktima sa motorsiklo at itapon sa gilid ng kalsada.
Nakapiit na ang dalawang suspek habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanila. (Dolly Cabreza)
The post Sipsip sa boss: Empleyado dinedo na, ulo sinako pa ng katrabaho first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments