PH Coast Guard naispatan 2 barko ng China epal sa Occidental Mindoro

Dalawang barko ng China ang naispatan ng Philippine Coast Guard (PCG) malapit sa baybayin ng Cabra Island sa Occidental Mindoro nitong Sabado, Hulyo 12.

Sa kanyang social media post, sinabi ni PCG Spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela na isang barko ng People’s Liberation Army Navy (PLAN) ang namataan habang nasa 69.31 nautical miles ng naturang isla at may kasama na isa pang barko naman ng China Coast Guard.

Nag-radio call aniya ang BRP Teresa Magbanua ng PCG na kasalukuyang nagsasagawa ng maritime law enforcement patrol subalit walang natanggap na kasagutan mula sa PLA Navy warship 793. Ang sumagot umano ay ang barko ng China Coast Guard na iginiit pang sakop umano nila ang naturang bahagi ng karagatan.

Sa kabila nito, sinabi ni Tarriela na patuloy na binabantayan ng BRP Teresa Magbanua ang dalawang barko ng China.

Sinabi pa ni Tarriela na naispatan din ang isang helicopter ng PLA Navy warship na tila nagsasagawa ng landing exercises sa flight deck ng barko.

The post PH Coast Guard naispatan 2 barko ng China epal sa Occidental Mindoro first appeared on Abante Tonite.

For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments