Aby Maraño nasilip na masaya, maintensidad ang PVL Finals

Makaraan ang apat na taon, balik sa finals ang Cherry Tiggo sa Premier Volleyball League On Tour.

Hindi naitago ni Abigail “Aby” Maraño ang tuwa at pasasalamat sa pagkakataong makalaban muli sa kampeonato ang kanyang kampo kontra PLDT sa paliga ng Sports Vision Management Group, Inc.

Sa eksklusibong panayam ng Abante Sports Now noong Martes pagkapanalo kontra Cignal HD Spikers sa 4-set, ibinahagi ng kapitana ng Crossovers ang emosyon ng koponan na huling nag-finale at nagkampeon noong 2021 Open Conference.

“Tuwang tuwa po kami kasi alam namin na pinagtrabahuhan talaga namin ito. Lahat from the coaches up to from the management and especially the players kaya sobrang sarap po sa puso na makabalik ulit sa finals ang Chery after 4 years,” litanya niya.

Dinagdag ni Maraño na muling nagpamalas ang team ng championship pedigree sa knockout semis. kalakip ang tiyaga, disiplina, at tiwala sa proseso na nagresulta sa magandang bunga nila.

Pinunto rin ng 32-year-old, 5-foot-8 belle, na hindi pa natatapos ang kanilang misyon at kailangang maabot ang korona ngayong naroon na halos sila. Pero giniit na dapat paghandaang Mabuti ang High Speed Hitters.

Ibinahagi rin niya ang pananaw sa nalalapit na championship series sa Linggo sa SM Mall of Asia Arena.

“Definitely, it will be fun and magiging intense. Kasi alam nyo naman lahat ng mga atleta dito sa PVL, very talented,” panapos na sey ni Maraño. (Maverick Valite)

The post Aby Maraño nasilip na masaya, maintensidad ang PVL Finals first appeared on Abante Tonite.

For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments