Naghahanda na ang Bureau of Immigration (BI) ng deportation case laban sa Amerikanong pastor na si Jeremy K. Ferguson na inakusahan ng pang-aabuso sa hindi bababa sa 160 bata sa isang bahay ampunan sa Pampanga.
Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado, ang hakbang ay bahagi ng #ShieldKids campaign at alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na protektahan ang mga bata laban sa dayuhang mapagsamantala.
Naaresto si Ferguson, 48-anyos, noong Agosto 13 ng mga operatiba ng Philippine National Police.
Pinamunuan umano ni Ferguson ang isang religious group sa Mexico, Pampanga kung saan mga bata ang nasa kustodiya.
Batay sa ulat ng pulisya at Department of Social Welfare and Development, ikinuwento ng mga biktima na sila’y sinasaktan, ginugutom, iginagapos, at ikinukulong ni Ferguson.
Samantala, pinaghihinay-hinay ni Manila Rep. Bienvenido Abante ang BI sa pagpapa-deport kay Ferguson.
Ayon kay Abante, chairperson ng House Committee on Human Rights, mahalaga na magkaroon muna ng masusing imbestigasyon upang matiyak na alegasyon.
“We must do what is necessary to protect our children, but we must do so consistent with the basic principles of human rights. Justice is not served when we prejudge a man before the evidence has been fully weighed,” sabi ni Abante.
Batay sa impormasyong nakalap ni Abante, si Ferguson ay walong taon na umanong nagpapatakbo ng childcare facility sa Pampanga at regular na binibisita ng DSWD.
Ipinapadala umano sa naturang pasilidad ang mga referral mula sa mga kalapit na city at municipal social welfare offices.
Ang dalawang minor na nagreklamo umano kay Ferguson ay mga bago lamang at referral ng Angeles City Social Welfare and Development Office. Isa sa mga nagrereklamo ay dalawang buwan pa lamang at ang isa ay isang linggo pa lamang.
Bumisita umano ang DSWD sa pasilidad noong Agosto 12 at naka-usap ang mga bata. Kinabukasan ay nagsagawa umano ng raid at inaresto si Ferguson.
Iginiit ni Abante na dapat malaman ang katotohanan bago gumawa ng anumang hakbang.(Prince Golez/Billy Begas)
The post BI `ipatatapon’ American pastor sa ni-raid na ampunan ng mga bata first appeared on Abante Tonite.For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments