Kinuwento ni Vice President Sara Duterte ang karanasang kumain ng biryani rice bago magsimula ang programa sa ginanap na thanksgiving celebration sa Safir Hotel sa Kuwait nitong Biyernes, Agosto 15.
Ayon kay VP Sara, nag-order siya ng biryani rice para magkaroon ng sapat na lakas sa picture-taking sa mga overseas Filipino worker (OFW). Pero, nang makita ang laki ng serving, agad niya raw naalala ang bigas sa Pilipinas.
“Bago ang lahat, `yung kinain ko kanina… Naalala ko lang. Kasi naalala ko ang bente pesos ang kilo ng bigas… Sabi ko pa sa sarili ko, ito dapat ang 20 pesos na bigas. Kasi ang isang kutsara niya, tatlong kutsara na ang equivalent sa Pilipinas,” ani VP Sara habang nakangiti sa mga dumalo.
Dagdag pa niya, halos kinabahan siya sa laki ng serving, na inilarawan niyang parang pasta na ikinatawa ng mga dumalo.
Sa kabila ng biro, pinasalamatan ni VP Sara ang mga OFW sa Kuwait sa kanilang suporta at inanyayahan ang lahat na maging bahagi ng mga programa ng Office of the Vice President.
“Maraming salamat sa inyo dahil tinulungan ninyo ang mga counterparts namin sa Office of the Vice President para mabuo itong pagtitipon para sa ating mga kababayan,” ani VP Sara.
Bumiyahe si Duterte sa Kuwait upang talakayin ang mga isyu ng mga OFW, sa kabila ng batikos ng mga kritiko tungkol sa kanyang mga biyahe sa labas ng bansa. (Angelica Cabral)
The post Tsikahan sa Kuwait: VP Sara naalala `P20 bigas’ sa kinaing biryani first appeared on Abante Tonite.For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments