DPWH chief Manuel Bonoan nalusutan sa mga `ghost project’

Ipinagtataka ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan kung paano nakalusot ang mga “ghost project” kaugnay ng flood control program sa bansa.

Sa programang “Parekoy” ng DWAR Abante Radyo 1494, sinabi ni Bonoan na mahigpit naman ang kanilang pagbabantay sa mga proyekto mula district office hanggang central office.

“Lahat po ng projects sa national government dadaan sa Regional Budget Proposal na dapat dumaan sa Regional Development Council, doon po namimili ng mga project,” wika ni Bonoan.

“Mayroon na kaming preparatory activities na dapat matingnan namin, tama ba ‘yung project na ‘yan? May paglalagyan ba? Ano ang impact ng project na ‘yan? Mayroon kami nu’n… pero pagka after the General Appropriations Act na po, wala na po [kaming say],” sabi pa niya.

Dagdag niya, nakapagtataka rin ang anomalya sa budget dahil dapat munang dumaan sa Commission on Audit (COA) ang mga proyekto bago maibigay ang pondo para rito.

Sinabi pa ni Bonoan na wala siyang kukunsintihin sa mga sangkot sa iregularidad at patuloy silang magsasagawa ng masusing imbestigasyon.

Patunay aniya ay mayroon na siyang tinanggal na isang opisyal sa District Engineering Office, na hinihinalang may kinalaman sa mga iregularidad sa flood control projects.

“Ang sabi ng ating Presidente, imbestigahan at tingnan kung sino ‘yung mga sangkot… kailangan mananagot. Ganoon po ang order ng ating Presidente,” ani Bonoan.

Nauna rito ay nagpahayag si Bonoan na wala siyang balak magbitiw sa puwesto sa gitna ng mga iskandalo sa maanomalyang flood control projects ng DPWH.

Giit ni Bonoan, nasa desisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kung aalisin siya o pananatilihin sa DPWH.

Lumakas kasi ang panawagan na bumaba muna sa puwesto si Bonoan kasunod ng natuklasang anomalya sa mga flood control project. (Issa Santiago/Ryan Reloban)

The post DPWH chief Manuel Bonoan nalusutan sa mga `ghost project’ first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments