Nakatakdang magtayo ang International Container Terminal Services Inc. (ICTSI) ng Luzon International Container Terminal (LICT) sa Bauan, Batangas ngayong taon.
Ang LICT ang magiging pangalawang pinakamalaking container terminal sa bansa, kasunod ng ICTSI Manila International Container Terminal (MICT), at ang pinakamalaking pribadong proyekto sa marine terminal sa Pilipinas.
Sasaklawin ng naturang proyekto ang 56.21 ektarya na kayang tumanggap ng malalaking barko na aabot sa kabuuang 50,000 hanggang 188,000 deadweight tonnage.
Magkakaroon din umano ito ng modernong container yard, upgraded internal roads, at advanced automation at safety technology.
Magsisimula ang konstruksyon ng proyekto na may US$800 milyong pondo (P47 bilyon) sa 3rd quarter ng 2025 at inaasahang matatapos sa 2028.
Layunin naman ng LICT na mapalakas ang internasyonal na kalakalan ng bansa, magbibigay ng trabaho, at susuporta sa eco-friendly logistics sa Southern Luzon.
Tiniyak din ng ICTSI na susunod ito sa mga mahigpit na environmental guideline habang isinusulong ang makabagong teknolohiya at automation sa operasyon ng pantalan.
The post ICTSI ikinasa pangalawang pinakamalaking container terminal sa `Pinas first appeared on Abante Tonite.For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments