Awayan sa kampo ni Duterte sumingaw: Harry Roque, Nicholas Kaufman bardagulan kay Honeylet Avanceña

Sumingaw ang awayan sa kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sangkot ang kanyang dating tagapagsalita na si Atty. Harry Roque at ang legal counsel sa International Criminal Court (ICC) na si Nicholas Kaufman.

Nasa gitna ng isyu sa pagitan nina Roque at Kaufman ang long-time partner ni Duterte na si Honeylet Avanceña na pinagbawalang bumisita sa ICC detention cell ng dating pangulo sa The Hague, Netherlands.

Ang dahilan umano ng pagsuspinde ng ICC sa pagbisita ni Avanceña ay ang phone conversation nila ni Duterte noong Hulyo 19.

Rumesbak naman si Roque sa panibagong patutsada umano ni Kaufman laban sa kanya matapos siyang tawagin na isang “irrelevancy”.

Sa pahayag ni Roque nitong Sabado (Agosto 2), ipinagtaka niya kung bakit tila siya pa ang pinupuntirya, imbes na harapin ni Kaufman ang mga isyung isiniwalat ni Avanceña tungkol sa suspensyon ng kanyang visitation rights sa detention cell ng dating pangulo.

“Ano? Bakit ako? Bakit ako ang paksa – ulit – ng panibagong rant ni Mr. Nicholas Kaufman?” ani Roque.

“Bakit masyadong naliligalig si Mr. Kaufman sa aking `walang halagang’ buhay at kinakabit ako sa pagsuspinde ng visitation rights ni Ms. Avancena? Katawa-tawa, sa totoo lang, ang estilo ni Kaufman ng paninisi,” dagdag nito

Hindi rin pinalampas ni Roque ang pagkakalarawan sa kanya bilang “hindi mahalaga” at “katawa-tawa”.

“Imbes na direktang tugunan ang mga lehitimong pagkabahala ni Ms. Avancena ukol sa pagsuspinde sa kanyang visitation rights, binaling ni Mr. Kaufman ang pag-atake sa akin, isinama niya ako sa usapin ukol sa mga pagbubunyag ni Ms. Avanceña, at tinawag akong `hindi mahalaga’ at `katawa-tawa’,” ani Roque.

Iginiit ni Roque na mas nararapat ituon ng kampo ang atensiyon sa pagpapabalik kay Duterte sa Pilipinas.

“Ang sambayanang Pilipino ay nanunuod at naghihintay,” hirit pa ni Roque.

The post Awayan sa kampo ni Duterte sumingaw: Harry Roque, Nicholas Kaufman bardagulan kay Honeylet Avanceña first appeared on Abante Tonite.

For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments