Jack Cruz-Dumont sasabak din sa nalalapit na 2025 PBA Draft

Isa si Fil-Canadian Jack Cruz-Dumont sa mga humabol na nagsumite ng application para sa 2025 PBA Draft.

Tumanggap pa ng application ang PBA office sa Libis hanggang 5 p.m. ng Biyernes, Aug. 29.

Sa Sept. 4-5 ang Draft Combine sa Ynares Arena sa Pasig. Dito kakaliskisan ang athleticism, physicat at mental strength ng applicants.

Pagkatapos ng Combine ay ilalabas ang final list ng eligible players na pagpipilian sa Mall of Asia Music Hall sa Draft Day sa Sept. 7.

Top three picks ngayong taon ang Terrafirma, Phoenix at Blackwater, ayon sa pagkakasunod.

Sa Oct. 5 ang siklab ng golden season ng liga.

Dating naglaro sa UE Red Warriors sa UAAP si Dumont.

Nakalistang 6-foot-3, may kataasang point guard si Dumont at kilalang may tira sa labas.

Dating naglaro sa University of British Columbia sa Canada bago lumipat sa UE si Dumont, second-generation player na sa Pilipinas. Ang ama niyang si John ay dating player ng Pasig sa Metropolitan Basketball Association.

Nagsumite na rin ng application sina dating Batang Gilas player Harvey Pagsanjan ng EAC, dating NCAA juniors champion Macoy Marcos ng St. Benilde, Dawn Ochea ng Adamson, Royce Mantua ng UST at Lorenz Capulong ng Arellano U. (Vladi Eduarte)

The post Jack Cruz-Dumont sasabak din sa nalalapit na 2025 PBA Draft first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments