Johnny Abarrientos binaha ng mga reaksiyon sa sabong

Nakita ang bagong hirang na assistant coach ng Barangay Ginebra San Miguel Gin Kings na si Johnny Abarrientos nitong katapusan ng linggo na lumahok sa isang pasabong, na nagdulot ng usap-usapan sa mga tagahanga niya at netizen.

Sa isang video na ipinost ni Romel Mangosing Abad sa Facebook, makikita ang 1996 PBA MVP na hawak at inihahanda ang kanyang mga manok panabong sa loob ng arena.

Gayunpaman, hindi naging maganda ang laban para sa kanya, dahil hindi nanalo ang kanyang manok kahit na maagang nagpakita ng angas at gilas.

Dati-rating tinaguriang “Flying A” dahil sa bilis, galing at paglipad sa basketball court, si Abarrientos ay nagiging usap-usapan ngayon sa labas ng kanyang tungkulin bilang coaching staff, sa pagkakataong ito, sa sabungan.

Napansin ng mga netizen na nanood ng clip na kulang sa lakas ang tandang ni Abarrientos kumpara sa kalaban.

“Mas multiple palo ng kalaban,” sey ni Ronmar Fernandez.

Kinomento ni Jhun Jhun: “Marami palo manok ni idol hindi nakamatay.”

“Jan na mauubos naipon sa basketbol,” tugon ni Tony Lumar.

“Magaling sana, kaso ‘di nakapatay ang tari mo, idol,” sambit ni MB San Jose.

Sey ni Joseph Bonghanoy, “Maraming palo hina lang patama.”

“Kinulang sa energy at extra power manok mo lodi,” post ni Roger Mendez.

“Double idol sa basketball at sabong,” ani Valachi Vlog.

Dagdag ni Nelson Ventura, “Idol Johnny.”

“Alaska man dati power,” dugtong ni Arsenio Jose.

“The Flying A…Lipad ang Arep Lodi,” ani Avery Kairo Gomez. (Abante Tonite Sports)

The post Johnny Abarrientos binaha ng mga reaksiyon sa sabong first appeared on Abante Tonite.

For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments