BBM binusisi zero billing sa East Avenue Medical Center

Upang masigurong naipatutupad ang zero billing sa mga pampublikong ospital, nag-ikot si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa East Avenue Medical Center sa Quezon City nitong Martes ng umaga.

Sa kanyang pagbisita sa nabanggit na ospital, sinabi ng Pangulo na mayos na naipatutupad ang zero billing at maraming pasyente ang nakikinabang sa programa.

Sinabi ng Presidente na ang zero billing program ang isa sa mga katuparan ng kanyang adhikain sa sektor ng pangkalusugan at magtutuloy-tuloy ito upang mapagaan ang pasanin ng pamilya ng mga pasyente.

“I’m happy to report that the zero-billing program is proceeding well,” anang Pangulo.

Sa ilalim ng zero billing program, ang kontribusyon sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang sasagot sa lahat ng gastusin kapag na-confine sa mga pampublikong ospital. ¬(Aileen Taliping)

The post BBM binusisi zero billing sa East Avenue Medical Center first appeared on Abante Tonite.

For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments