Bagong-bago pa lang ang kanilang naging dominadong paglalaro noong nakaraang linggo, misyon ng mga lumalaking bituin na sina Jonathan Higa at Julio Naredo na palawakin ang mga winning streak sa Mayor Arlene Arcillas National Juniors Tennis Championships sumambulat na nitong Huwebes sa Sta. Rosa Sports Complex.
Nagmula sa Taguig si Higa at kamakailan lang nagwagi sa korona ng boys’ 18-and-under nang talunin si Gavin Kraut, 6-4, 6-2, sa Dr. Pablo Olivarez Sr. National Junior Tennis Championships. Samantala, ipinamalas ni Naredo ng Quezon City ang galing sa 16-and-U division sa malakas na 6-0, 6-1 panalo laban kay Alexandre Coyiuto.
Ang mga kamakailang tagumpay ng pares ang nagtakda sa kanila bilang nangungunang mga makikipagkumpitensiya sa Group 2 event, na handog ng Dunlop.
Inorganisa ng Palawan Pawnshop-Palawan Express Pera Padala (PPS-PEPP), ang kaganasan ay nakakuha ng malaking bilang ng mga kalahok, na nagtulak sa mga tagapag-organisa na ipamahagi ang paligsahan sa loob ng dalawang linggo. Ang dibisyon ng mga lalaki ay ilalarga mula Agosto 22 hanggang 25, habang ang mga babae naman ang magiging sentro ng atensyon sa Agosto 29-Setyembre 1.
Ang malaking bilang ng dumalo ay nagpapakita ng katanyagan ng tennis sa mga kabataan at sumasalamin sa walang-tigil na suporta ng lungsod na nagho-host, na pinamumunuan ni Mayor Arlene Arcillas, na ang pangako sa pagpapaunlad ng sports sa antas ng komunidad ay patuloy na nagbubukas ng mga pinto para sa mga nangangakong atleta sa bansa.
“Ang dami ng mga kalahok ay hindi lang nagpapakita ng pagkahilig sa tennis ng mga kabataang Pilipino kundi pati na rin ang malaking suporta ng Sta. Rosa sa paglinang ng talento sa palakasan,” lahad ni Bobby Mangunay, direktor ng PPS-PEPP Sports Program and Development.
Habang dala nina Higa at Naredo ang momentum at kumpiyansa sa Sta. Rosa, lubos nilang alam na ang kanilang landas patungo sa muling pagwawagi ay hindi magiging madali. Si Kraut, na sabik sa pagtubos, ang nananatiling isang malakas na kalaban sa 18-and-U field.
Nakatuon din ang pansin sa top seed na si Ariel Cabaral, kasama ang magkapatid na sina Frank at France Dilao, na inaasahang magiging karapat-dapat sa kanilang pagiging top seed sa napakakumpetisyong age group na ito.
Sa 16-and-U bracket, haharapin ni Naredo ang matinding kumpetisyon mula sa mga tulad nina Brendan Morales, Rafa Monte De Ramos, at Anthony Cosca, na pawang naglalayong magpakita ng galing sa isa sa mga dibisyong puno ng talento sa kaganapan na bahagi ng PPS-PEPP program, na pinamumunuan ni president/CEO Bobby Castro.
Bibida si Cosca, na naglalaro sa maraming age bracket sa torneo na pinahintulutan ng Philta at may mga suporta mula sa Universal Tennis at ICON Golf & Sports, sa kategoryang 14-and-U kasama sina Marcus Go, Tyronne Caro, at Kenji Kue.
Misyon ni Caro, na nanalo rin sa Olivarez Sr. event, ang back-to-back title sa 12-&-U division, kung saan naghihintay ang top seed na si Jan Villeno, Jairus Peralta, at Joaquin Dacyon.
Inaasahan ang isang bukas na labanan sa 10-and-U unisex category – isang pagpapakita ng hilaw at lumalaking talento – na tampok ang mga tulad nina Terrence Batallones, Rafael Cablitas, Kirk Gonzaga, at Jeffrey Tsoi.
Para sa mga detalye, makipag-ugnayan kay Mangunay sa 0915 404 6464. (Abante Tonite Sports)
The post Jonathan Higa, Julio Naredo mga gigil sa titulo ng ‘Arcillas’ first appeared on Abante Tonite.For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments