Ping Lacson nilantad biyakan sa kickback ng DPWH, COA, politiko

Maliwanag ang sabwatan sa mga flood control project ng pamahalaan batay sa mga idinetalye ni Senador Panfilo “Ping” Lacson.

Sa kanyang privilege speech nitong Miyerkoles, Agosto 20, inilantad ng senador ang hatian sa kita o kickback sa mga maanomalyang proyekto sa ilalim ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ibinunyag ni Lacson na walo hanggang 10 porsiyento ng halaga ng proyekto ang napupunta sa mga opisyal ng DPWH.

“Suwerte na daw kung pumayag ang District Engineer na 6% lamang ang parte niya,” sabi ni Lacson.

Ayon pa senador, may ekstrang 2-3 porsiyento ang napupunta sa District Engineering Office (DEO) at kung may “sosobra” naman mapupunta sa contractor’s profit.

“Na-compute na rin kasi ng District Engineering Office ang tutubuin ng contractor mula sa project at sinisiguro na nila na sosobra ito sa allowable profit, para mayroon pa silang kukubrahin. Ang tawag dito, RESETA. RESETA dahil ang presyo na itinakda ng DEO ay nakasulat at napagdesisyunan na,” ani Lacson.

Kasama rin umano sa nakakatanggap ng porsiyento ang kinatawan ng Commission on Audit (COA).

“Parang gamot, Mr. President. Lulunukin na lang ng contractor. 5-6% para sa mga miyembro ng Bids and Awards Committee (BAC) 0.5-1% para sa COA,” dugtong pa niya.

Inilahad din ni Lacson na mayroon pang tinatawag na “passing through” o “parking fee” na aabot sa katumbas na 5-6% ng pondo.

Dito naman pumapasok ang politiko na mayroon ding parte umano sa kickback ng proyekto.

“Ito ang itinuturing na `royalty’ – ang tawag sa ‘lagay’ na ibinibigay sa politikong may kontrol sa distrito kung saan i-implementa o itatayo ang proyekto,” ayon sa senador.

Samantala, 20 hanggang 25 porsiyento naman ang karaniwang napupunta sa funder o project proponent ng politiko.

“Ang matitirang pondo para sa pagpapatayo ng proyekto ay napakasuwerte nang umabot sa 40% o 40 million pesos alinsunod sa ating halimbawang 100 milyong pisong pondo para sa proyekto,” sabi pa ni Lacson.

Nadismaya si Lacson dahil sa malalim na korapsiyon sa mga pagawaing bayan ng gobyerno.

“Corruption has been so pervasive and systemic that doing so is like a piece of cake.”

Mindoro cong kinonek sa budget insertion

Samantala, ikinabit ni Lacson ang isang kongresista sa Mindoro sa flood control projects na diumano’y pinondohan sa pamamagitan ng congressional insertion.

Ibinunyag ni Lacson na isa sa mga insertion ang proyekto sa mga bayan ng Baco at Nauna

Sa kanyang privilege speech, ibinunyag ni Lacson na isa mga insertion ay ang proyekto sa bayan ng Baco at Naujan sa Oriental Mindoro na kalaunan ay napag-alamang kay Congressman Arnan Panaligan ng unang distrito ng lalawigan.

Hindi binanggit ni Lacson ang pangalan ng kongresista subalit lumitaw ito sa presentasyon ng senador na nagpapakita ng accomplishment report nito mula Hunyo 30, 2022 hanggang Disyembre 31, 2023.

“He openly lists projects – hold your breath – “funded by his office,” including flood control and river protection initiatives,” ani Lacson. “All of which is attributed to and owned up by the Office of the Congressman,” sabi ni Lacson.

Itinanggi naman ni Panaligan na siya ang proponent ng mga flood control project sa kanilang probinsya.

“Gusto ko lang linawin na ang proponent n`yan ay walang iba kundi ang DPWH. At `yan ay kasama na sa National Expenditure Program or NEP na dumarating sa Kongreso. Isina-submit `yan ng Executive Department para talakayin ng Kongreso,” ani Panaligan.

“Ngayon sasabihin tayo ang nag-finance, technically ay Kongreso ang nag-finance kasi `yung NEP na `yun ay inaprubahan ng Kongreso at naging General Appropriations Act ng mapirmahan ng Pangulo,” dagdag pa nito. (Dindo Matining/Billy Begas)

The post Ping Lacson nilantad biyakan sa kickback ng DPWH, COA, politiko first appeared on Abante Tonite.

For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments