Mga plaza pwede rin sa sports

Isa sa maganda sa naging 4th SONA 2025 ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. noong Hulyo ang pag-atas niya sa Philippine Sports Commission na buksang libre sa publiko ang mga track and field oval na pinamamahalaan ng PSC.

Ang mga ito ay ang nasa Rizal Memorial Sports Complex sa Manila, PhilSports Complex sa Pasig at ang nasa Baguio.

Agad namang tumalima ang PSC sa pamumuno ni chairman John Patrick Gregorio. At kasalukuyang dinudumog nga ang mga pasilidad.

Doon nag-eehersisyo, naglalakad, nag-ja-jog-run ang marami sa umaga’t hapon bukod pa sa ating mga national athlete siyempre.

Sana magkaroon ng Memorandum of Agreement ang PSC sa mga Local Government Unit para magamit ding pasilidad na mala-track and field oval ang maraming public plaza sa kapuluan para mas marami ang makapagbanat ng mga buto sa umaga’t hapon, Ang iba ay magsipag-zumba.

Ilan sa po mga nakita ng TP sa Maynila ay ang Luneta, Bonifacio Shrine (Lawton at Mehan Garden), Plaza Dilao, Paco Park, Plaza Miranda, dalawang Paraiso ng Batang Maynila, Plaza Hugo, at iba pa.

Kung mapag-eehersisyuhan, walkathon, jog-run, zumba dito ang marami, mas maraming magiging masigla o malusog.

Ano po sa palagay ninyo?

The post Mga plaza pwede rin sa sports first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments