Alex Eala hapi sa pag-angat ng kapwa mga atletang Pinay

Nagpahayag ng kagalakan ang lumalaking bituin sa tennis na si Alexandra “Alex” Eala sa patuloy na paglago ng sports para sa kababaihan sa ‘Pinas, sinasabing sa wakas ay nakukuha na ng mga atletang Pilipina ang nararapat sa kanila.

Sa isang panayam ni Jon Wertheim sa 2025 US Open sa New York nitong isang araw, ipinahayag sa wikang Ingles ng 20-taong-gulang na Pinay netter at Globe Ambassador, “Alam ko maraming batang babae ang may mga pangarap, hindi lang sa tennis, kundi marahil sa iba pang sports. Sa tingin ko, sa kasalukuyan sa Pilipinas, nasa yugto kami kung saan talagang umuunlad na ang sports ng kababaihan.

Tinukoy ni Eala ang epekto ng mga nagpasimula tulad ni 2021 Tokyo Olympic weightlifting gold medalist Hidilyn Diaz, national women’s football, na nagkaroon ng makasaysayang kampanya sa FIFA Women’s World Cup.

“Mayroon kaming Hidilyn Diaz, na isang weightlifter. Soccer team, na sumali sa World Cup. May mga tao kami sa basketball. Mayroon kaming volleyball,” litanya ng tubong Quezon City. “Kaya naman, talagang kahanga-hanga na makita ang komunidad ng mga babae at iba pang mga atleta na nagtutulungan sa isa’t isa.”

Ginawa ang panayam bago ang kanyang nakakagulat na panalo kontra world No. 14 Clara Tauson ng Denmark noong Linggo, kung saan nakabangon ang world No. 75 mula sa 1-5 na pagkakahuli sa deciding set para manalo ng 6-3, 2-6, 7-6 (13-11).

Ang tagumpay na ito ang nagbigay kay Eala ng karangalang maging unang Pilipinong nanalo sa isang Grand Slam singles match. (Abante Tonite Sports)

The post Alex Eala hapi sa pag-angat ng kapwa mga atletang Pinay first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments