Pasay mayor pinaigting police visibility kasunod ng pag-atake sa spa

Pinatutugis ni Pasay City Mayor Imelda “Emi” Calixto-Rubiano ang mga suspek sa likod ng panloloob sa isang massage parlor kung saan ay 13 masahista ang hinoldap at dalawa rito ay halinhinan pa umanong hinalay.

Hindi katanggap-tanggap at walang puwang sa Pasay ang ginawa ng mga suspek dahil matapos limasin ang kanilang pera at mga gamit ay nagawa pang gahasain ang dalawa sa kanila.

Nangyari ang panloloob at panggagahasa sa mga masahista dakong alas-2:55 ng hatinggabi noong Biyernes, Agosto 29, 2025.

“With the help of our Pasay Police and other agencies, we are certain that justice will be served,” pagtitiyak ni Mayor Emi.

Matapos matanggap ang ulat ng pulisya, ipinag-utos ng alkalde sa Pasay City Police chief P/COL. Joselito de Sesto na maglunsad ng manhunt operation laban sa dalawang suspek.

Inatasan din ni Mayor Emi ang Pasay Police na dagdagan ang seguridad at police visibility sa lungsod upang hindi na maulit ang pangyayari.

Agad nating inatasan ang ating kapulisan to extend their patrolling all-over the city at dagdagan ang police visibility. Peace and Order channels and systems in Pasay City are in place, and will be intensified moving forward at kailangan palakasin pa ang 24/7 na pagbabantay ng ating kapulisan,” anang alkalde.

Naniniwala ang alkalde na hindi magtatagal ay madadakip ng mga operatiba ng Pasay Police ang mga suspek, dahil malinaw aniya ang kanyang direktiba na walang puwang ang mga masasamang loob sa Lungsod ng Pasay.

Kaugnay nito ay nagpaalala

si Mayor Emi sa mga biktima na nakahandang magbigay ng kinakailangang tulong ang lokal na pamahalaan lalo na sa dalawang biktima ng panghahalay.

The post Pasay mayor pinaigting police visibility kasunod ng pag-atake sa spa first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments