Nakakalula ang yaman ngayon ng mga Discaya matapos maka-jackpot ng malalaking kontrata sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
Sa inisyal na pagtaya, umaabot sa P32 bilyong flood control project ang nasungkit ng siyam na construction firm ng mga Discaya mula 2022 hanggang 2025 lamang.
Kung pagbabasehan ang estimate ni Senador Panfilo “Ping” Lacson na 40% lamang ng inaprobahang budget ang napupunta sa implementasyon ng proyekto, lumalabas na P19.2 bilyon ang pinaghatian ng contractor, DPWH at ng funder sa P32 bilyon.
Hindi nakapagtataka na may malaking mansiyon ang mga Discaya, at may 40 luxury vehicle pa. Aba’y kahit iba ang ginagamit na sasakyan kada araw, may sobra pang 10 tsekot sa loob ng isang buwan.
Kahit si Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada, nawindang sa listahan ng mga luxury vehicle ni Discaya. Inamin ng senador na hindi niya alam ang modelo ng ibang sasakyan ng contractor.
Dahil ibinida nila ang kanilang mga yaman, iniimbestigahan na tuloy sila ngayon ng Bureau of Customs at Bureau of Internal Revenue (BIR) kung nakapagbayad sila ng tamang buwis sa gobyerno.
Inamin ni Sarah Discaya sa interview ng journalist na si Julius Babao, na dati silang mahirap lamang pero umasenso sa buhay nang magsimulang makabingwit ng kontrata sa DPWH. Ang interview ay nangyari bago magsimula ang kampanya sa local elections sa Pasig City noong nakaraang Mayo.
Ang rags to riches story ni Discaya ay kinontra naman sa Vera Files nang isang journalist ang nagkuwento na ang puhunan ng mga Discaya ay maaaring binigay ng tiyuhin nitong dating alkalde ng Pasig City.
Ngayon, doble dagok ang posibleng kaharapin ng mga Discaya dahil nangako na si Pangulong Bongbong Marcos na papanagutin niya ang mga responsable sa mga palpak na flood control project ng gobyerno.
Tatlong taon na lamang ang nalalabi at malapit nang magbabu sa puwesto si Pangulong Marcos sa 2028. Ngayon pa lang, gumagawa na ito ng hakbang para hindi masabing lame duck president.
Kung sasampolan ni Pangulong Marcos ang mga Discaya, ano naman ang puwede niyang ikaso sa mga ito? Siguradong may ginagawang hakbang na ang Department of Justice (DOJ).
Palagi kasing binabanggit ng Pangulo na mahaharap sa economic sabotage ang mga sangkot sa ghost project at mga palpak na flood control project.
Gayunman, kahit ang economic sabotage sa agricultural smuggling, wala pa tayong nakikitang nasampolang smuggler kaya isang malaking hamon sa gobyerno ang pagsasampa ng economic sabotage sa mga sangkot sa ghost project ng DPWH.
Kung ang administrasyon ni dating Pangulong Noynoy Aquino ay naipakulong ang negosyanteng si Janet Napoles dahil sa pork barrel scam, sino naman kaya ang maipapakulong ni BBM sa flood control scandal?
The post Yaman ng mga Discaya first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments