Hindi hahayaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magkaroon ng mga “insertion” sa panukalang national budget para taong 2026.
Ito ang inihayag ng Malacañang kasunod ng sinabi ni Senate President Francis Escudero na hindi dapat umasa ang Pangulo na hindi mababago ang panukalang badyet dahil nasa Kongreso ang `power of the purse’ at maraming mga kalihim ang hihilingin sa mga mambabatas para baguhin ang proseso sa badyet.
Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Atty. Claire Castro na pinaghirapan ng ehekutibo na makagawa ng National Expenditure Program para maging basehan kung paano paglaanan ng pondo.
Malinaw aniya ang nais ng Pangulo na magamit sa tama ang pondo at mapakinabangan ng taongbayan sa halip na mapunta sa mga programang walang katuturan.
“Hindi dapat abusuhin `yung sinasabing power of the purse at maraming magkaroon kung mayroon ng insertions at hindi mapapakinabangan ng tunay, iyan lamang ang gusto ng Pangulo,” ani Castro.
“Kung may mga insertion na may kabuluhan malamang hindi i-veto, pero kapag nakita nila na wala naman itong pupuntahan at maaaring madala lamang sa pang-aabuso, hindi mag-atubili ang Pangulo na ito ay i-veto,” ayon kay Castro. (Aileen Taliping)
The post PBBM gagamitin veto werpa sa budget insertion – Palasyo first appeared on Abante Tonite.For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments