Nakatakdang bisitahin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang `Silicon Valley’ ng India sa Bangalore upang makipag-usap sa mga malalaking negosyanteng naghahandang magnegosyo sa Pilipinas.
Ito ang inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa pre-departure briefing sa Malacañang kaugnay ng limang araw na state visit ng Pangulo sa darating na linggo.
Dalawang grupo ng malalaking negosyante ang makikipagpulong sa Pangulo. Una sa New Delhi at ikalawa sa Bangalore na tinaguriang `Silicon Valley’ ng India.
Ayon sa DFA, magiging mahigpit ang iskedyul ng Pangulo sa kanyang state visit kabilang na dito ang bilateral meeting kay Indian Prime Minister Narendra Modi, pakikipagpulong sa mga negosyante, magsasalita rin sa Observer Research Foundation na may kinalaman sa foreign policy at pagharap sa Indian media.
Kabilang sa tatalakayin sa bilateral meeting ng Pangulo sa Prime Minister ng India ang mga isyu na may kinalaman sa kooperasyon sa ekonomiya, defense and security, political, trade and investment at maritime cooperation. (Aileen Taliping)
The post State visit sa India: BBM misyon ang mga negosyante sa `Silicon Valley’ ng Bangalore first appeared on Abante Tonite.For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments