Maagang tatalupan ni reigning Most Valuable Player Shai Gilgeous-Alexander at tropa sa Oklahoma City ang kampanya para sa ikalawang titulo sa siklab ng 80th National Basketball Association 2025-26 sa Oktubre 21.
Ayon sa NBA nitong Martes, iho-host ng Thunder sa regular season game ang Houston Rockets na ipaparada ang bagong recruit na si dating MVP Kevin Durant na biningwit sa masalimuot na trade.
Ang laro ang magiging una sa dalawang nakalinya sa gabi. Ang isa pa ay ang salpukang Golden State kontra Los Angeles Lakers.
Markado sa nasabing labanan sina Warriors star guard Stephen Curry at Lakers playmaker LeBron James – parehong tig-apat na beses nang nagkampeon sa liga, magmamarka ito sa ika-57 nilang pagtutus sa pro career.
Nakatakda ang 40-taong-gulang na forward (James) na maging unang manlalaro sa kasaysayan ng NBA na sasabak sa ika-23 sunod na taon, Nasa likod niya ang tirador na si Luka Doncic. (Abante Tonite Sports)
The post Shai Gilgeous-Alexander, OKC Thunder atat sa ika-2 korona first appeared on Abante Tonite.For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments