Kinumpleto ni Aislinn Agnes Yap ang maigting na tagumpay kay Nicole Castro ng Costa Rica sa women’s sambo combat -80kg para maisukbit ang bronze medal sa 12th World Games 2025 sa Chengdu, China nitong Huwebes.
Dinispatsa ng Pinay world No. 1 sambist sa nasabing timbang ang karibal, 3-1, sa ikalawa at huli niyang laban at paggiit na karapat-dapat sa podium.
Una nang mga nakahagip ng silver sina Kaila Napolis sa women’s jiujitsu at Chezka Centeno sa billiards (10-ball), at bronze si Carlos Baylon Jr. sa men’s wushu sanda 56kg.
Bigo naman si Paris Olympian boxer Hergie Bacyadan sa bronze sa women’s kickboxing K1 70kg kontra Aleksandra Krstic ng Serbia, 1-2.
Inilabas niya ang lahat na mabibigat na suntok, matataas na sipa, at pagtuhod sa Serbian upang ibadya ang sarili sa seremonya sa medal awarding sa gabi at idinagdag sa koleksyon ng Team Philippines na tigalawang pilak at tanso.
Pero iginawad ng mga hurado ang panalo kay Krstic na kitang-kitang kinilig at napangiwi sa sakit sa buong laban. Ito ay isang kontrobersyal na resulta kay Bacyadan na may yaman ng internasyonal na karanasan sa pakikipaglaban sa wushu, vovinam at boxing.
Nagpasya rin ang pambansang koponan na huwag nang ituloy ang protesta at sa halip ay magpatuloy sa iba pang mga labanan. (Lito Oredo)
The post Aislinn Agnes Yap kinuyom bronze sa women’s sambo first appeared on Abante Tonite.For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments