Papagitna ang mga bagong bituin sa larangan ng pole vault sa bansa paglarga ngayong Sabado sa Ayala Triangle sa Makati ng dalawang araw na Atletang Ayala World Pole Vault Challenge.
Itatampok ang mga umuusbong na manlalaro sa unang araw na National Pole Vault Competition sa puso ng nasabing lungsod sa bisperas ng Atletang Ayala World Pole Vault Challenge.
Higit pa sa pagiging undercard, ang NPVC ang nagbibigay ng pagkakataon sa mga lokal na atleta na subukan ang kanilang kakayahan sa isang world-class na pole vault venue.
Matetesting nila ang runway at crossbar bago magpasiklab ang mga internasyonal na atleta sa pangunahing kaganapan sa Linggo na pinahihintulutan ng World Athletics.
Kasado sa NPVC men’s division sina two-time Southeast Asian Games gold medalist Janry Ubas at SEA Games silver winner Hocket Delos Santos, na parehong nakikitang susunod sa yapak ni PH pole vault star at WA No. 7 Ernest “EJ” Obiena.
Papalag din sina Sean Harry Narag at Mejen Sumbongan, na parehong nagsasanay sa ilalim ni coach Emerson Obiena, John Philip Villar at Fil-Am Enzo Sison.
Sa women’s division labo-labo sina SEAG bronze medalist Fil-Am Alyana Nicolas, Jia Kawachi, Jessa Marie Libres, Khrizzie Ruzol, Isabella Louie Sta. Maria, Riezel Buenaventura at Amy Christensen. (Lito Oredo)
The post 13 natatanging atleta magsasagupa sa National Pole Vault Competition first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments