Cong Zaldy Co swak sa lookout bulletin – DOJ

Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) na isinama na sa Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) si Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co, na nasasangkot sa isyu ng umano’y maanomalyang flood control projects ng pamahalaan.

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, awtomatikong mino-monitor na ang galaw ni Co mula nang mabanggit ang kanyang pangalan kaugnay ng kontrobersiya.

“He’s being tracked already. At maraming tumutulong na tao,” ani Remulla.

Nauna nang sinabi ng kalihim noong Martes na kabilang si Co sa mga opisyal na inirekomenda ng National Bureau of Investigation (NBI) na sampahan ng kaso kaugnay ng flood control scam.

Muling lumutang ang pangalan ni Co sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee nitong Huwebes, Setyembre 25, matapos ibunyag ng dati niyang empleyado na si Orly Guteza na siya mismo umano ang naghahatid ng pera sa bahay ng kongresista.

Matatandaang binawi na rin ni Speaker Faustino “Bojie” Dy III ang travel clearance na ibinigay ng Kamara de Representantes kay Co at inatasan ito na bumalik na sa Pilipinas. (Prince Golez)

The post Cong Zaldy Co swak sa lookout bulletin – DOJ first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments