Pinabagsak ng Abra Solid North Weavers at Quezon Huskers ang mga kalaban noong Lunes upang mapanatili ang pangunahing puwesto sa North at South Divisions ng MP 1xBet-7th MPBL 2025 sa Paco Arena sa Maynila.
Binalikat nina Dave Ildefonso at Encho Serrano, winagwag ng Abra ang Muntinlupa Cagers, 126-70, sa unang laro, habang lumayo ang Quezon Province Huskers sa kalagitnaan ng fourth quarter tungo sa paggupo sa Mindoro Tamaraws, 88-72, sa ikalawang laro.
Umararo si Ildefonso ng triple-double sa likod ng 11 points, 13 assists at 12 rebounds upang iangat ang Weavers sa 23-1 (win-loss) sa 30-team, 2-division round robin elims ng men’s cagefest.
Nangunguna ang Abra sa Nueva Ecija (23-2) at San Juan (22-2) sa Hilaga gayundin sa pangkalahatang standings, habang may rekord na 21-4 ang Quezon Province.
Sa kabila ng pambihirang niladlad, ibinigay ang Best Player of the Game kay Serrano na may 25-4-3. Nakasaklolo sina Mike Ayonayon, Marwin Taywan, Jolo Mendoza ng 13 puntos bawat isa. May tig-11 sina Geo Chou, Harley Baldo, at may 10 si Simon Camacho para sa Abra.
Sadsad sa ika-11 olats ang ng Muntinlupa na napadpad sa 10-14 sa South sa kabila 28 markers nina Marvin Hayes (15) Kurt Lojera (13).
Tilapon din ang Mindoro sa 13-10.
Pumukpok naman si John Edcel Rojas ng 18-pt., 11-reb. sa Quezon City Galeries Taipan (7-17) nang kalusin ang Parañaque Patriots (1-23), 90-75. (Ramil Cruz)
The post Dave Ildefonso tripol-dobol kayod, Abra iwinasiwas ang Muntinlupa first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments