Jan Cadee Dagoon isinukbit 2 titulo sa Arcillas Netfest

Naghatid si Jan Cadee Dagoon ng dalawang malakas na panalo upang dominahin ang Mayor Arlene Arcillas National Juniors Tennis Championships, habang nagtala si Jan Caleb Villeno ng tig-isang panalo at runner-up finish upang magbahagi ng MVP honors sa Sta. Rosa Sports Complex nitong katapusan ng linggo.

Isang umuusbong na bituin mula sa Olongapo City, naging karapat-dapat si Dagoon bilang top seed sa pagwawagi sa girls’ singles 16-and-under division. Tinapos ang pagratsada sa dominadong 6-1, 6-1 panalo kontra kay No. 2 seed at doubles partner Ayl Gonzaga sa finals.

Napanatili niya ang magandang laro sa 18-and-U title match, hinawi si 2nd seed Izabelle Camcam sa parehong iskor upang maging nag-iisang “double” singles winner sa Group 2 tournament na iniharap ng Dunlop.

Sa katunayan, tatlong titulo ang nakuha ni Dagoon sa kabuuan, nakipagtambal kay Gonzaga para masungkit pa ang 18-&-U doubles sa pamamagitan ng 8-2 na panalo laban kina Cristina Reyes at Jasmine Solis.

Sa kategorya ng mga lalaki, nagbalandra rin ng galing si Villeno, na tubong San Pablo City, sa pamamamayagpag sa boys’ 12-&-U laban sa kapareha sa doubles na si Jairus Peralta, na nagretiro sa iskor na 6-0. Hindi man nahablot ang ikalawang titulo sa singles nang matalo kay Anthony Cosca, 6-3, 6-2 sa finals ng 14-and-U, namukod-tangi pa rin si Villeno sa mga kalahok at nakipagbahagi ng MVP honors kay Dagoon sa dalawang linggong kaganapan na pinahintulutan ng Philta at pinagkaabalahan ni Sta. Rosa City Mayor Arlene Arcillas bilang bahagi ng patuloy na pangako ng lungsod sa pagpapaunlad ng sports sa komunidad.

Ang pananaig ni Cosca ang nagdagdag ng isa pang karangalan para sa Olongapo, habang rumesbak si 4th seed Julio Naredo ng Quezon City sa 16-&-U finals, bumangon mula sa isang set down upang gulantagin si 2nd seed Rafa Monte De Ramos, 3-6, 6-4, 6-2, katumbas ang kanyang tagumpay sa Dr. Pablo Olivarez Sr. noong nakaraang linggo.

Nagtala ng panalo sa sariling bakuran si 3rd seed France Dilao at No. 1 Terrence Batallones. Nilampasan ni Dilao ang nanalo noong nakalipas na linggo na si Jonathan Higa, 6-4, 4-6, 6-4, upang makuha ang kampeonato sa boys’ 18-&-U, habang nangibabaw si Batallones kay Rafael Cablitas sa 10-&-U unisex final, 5-4(5), 1-4, 10-7.

Bumawi si Gonzaga mula sa talo sa singles finals sa 18-&-U division sa pagkabig sa girls’ 16-&-U crown, pinadapa si Francine Wong, 6-3, 7-6(16). Kabilib din ang laro ni Leanne Barrido ng Antipolo na kinalos si Clara Hosaka, 6-3, 6-0, sa finals ng girls’ 12-and-U.

Sa doubles, isinukbit nina Dilao at Naredo ang boys’ 18-&-U title sa 8-1 panalo kina Monte De Ramos at Samuel Tulop. Kuminang sina Isabel Ataiza at Michaela Suarez laban kina Precious Valdez at Jasmine Solis, 8-1, upang magkampeonato sa girls’ 14-&-U.

Bumalik sa dating galing sina Villeno at Peralta sa doubles, tinabig sina Tyronne Caro at Cosca, 8-7(5) para sa tropeo ng boys’ 12-&-U.

Kinumpleto rin ni Batallones ang “double,” nakipagpartner kay Rafael Cablitas para manaig sa 10-&-U doubles crown sa 8-4 na panalo laban kina Xander Cas at Arkin Rescober sa torneo na mga sinuportahan ng Universal Tennis at ICON Golf & Sports. (Abante Tonite Sports)

The post Jan Cadee Dagoon isinukbit 2 titulo sa Arcillas Netfest first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments