Helene Rousseaux ilalagari Farm Fresh sa Reinforced

Inaasahang lalakas ang Farm Fresh sa 8th Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference sa pagpirma ng dating pambansang manlalaro ng Belgium na si Helene Rousseaux bilang import ng Foxies.

Opisyal na inihayag ng FF ang paglagda ng player nitong isang araw.

Sa taas na 6-foot-2, si Rousseaux ay isang maasahang outside hitter na may malawak na karanasan sa internasyonal. Huli siyang naglaro para sa Papara Goztepe sa Turkey at nakipagkumpitensya rin sa mga nangungunang liga sa Switzerland, Poland, Italy, South Korea at France.

Ang kanyang pandaigdigang karera ay nagdadala ng mataas na antas ng karanasan sa hanay ng mga manlalaro ng Foxies sa parating na ikatlong torneo ng Sports Vision Management Group, Inc. Sa Oktubre.

Si Rousseaux ay bahagi ng makasaysayang koponan ng Belgium na nagkamit ng kauna-unahang podium finish sa 2013 European Championship, kung saan nag-uwi ang bansa niya ng bronze medal.

Sa pagsali ni Rousseaux sa koponan – kasama ang pagbabalik ng mga beteranong sina Ces Molina at Riri Meneses – nakatakdang magkaroon ng mas malalim at mas may karanasan na lineup ang Foxies, na naglalayong magbigay ng malaking

The post Helene Rousseaux ilalagari Farm Fresh sa Reinforced first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments