Namemeligrong madepensahan ni Justin Brownlee at tropa sa Gilas Pilipinas ang men’s basketball gold medal sa 33rd Southeast Asian Games sa Thailand (Bangkok, Chonburi at Songkhla) sa Disyembre 9-20.
Sangkaterba o kalahati sa Thai team ay mga manlalarong may pinaghalong lahi (mixed heritage players, Thai-foreigners o ‘import’) para sa nalalapit na 11-nation, biennial sportsfest.
Ang kategorya nila ay bilang lokal sa ilalim na patakaran ng FIBA o International Basketball Federation.
Kabilang sa mga itinuturing na “local players” sina Frederick Lish, Moses Morgan, Tyler Lamb, Maximus Williams (Thai-American), “Junior” Emmanuel Chinedu Ejesu (Thai-Nigerian), at ang bagong dating na si Thatcharin Daydean Narbonne (Thai-French).
Sa ganitong senaryo, mas malalim ang hanay na talento ng Thailand kaysa sa karamihan na mga kalaban mula sa rehiyon, kabilang ang Pinoy squad, naunang inihayag ng Samahang Basketbol ng Pilipinas na mga beterano sa abroad at hindi ang nucleus ma minamanduhan ni national coach Tim Cone ang sasabak.
Dagdag pa sa potensiyal sa tindi ng Thais si Ibrahim Diaby, na kasalukuyang nasa proseso ng pagkuha ng kanyang nationality. Hindi pa siya nagkaroon ng ibang pasaporte, ang kanyang kaso ay sakop sa pagsusuri pa ng FIBA.
Pero kung maaprubahan, magiging karapat-dapat si Diaby bilang lokal kahit wala siyang lahing na pinagmulan, dahil eksklusibo niyang binuo ang kanyang laro sa loob ng sistema ng basketball sa Thailand.
Gayunpaman, may mga hamon pa rin sa host country dahil maaaring maapektuhan ang kanilang rotation sa frontcourt sa pagkawala ni key big man Martin Pongniwat Breunig, kahit maaring punan nina Ejesu at Chanathip Jakkawan ang kakulangan.
Sapol noong 1977, wala pang gold ang Thais sa SEAG, nakawalong silver at 10 bronze na. (Abante Tonite Sports)

The post Justin Brownlee, Gilas Pilipinas tagilid sa SEAG gold vs Thailand first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments