PBBM binasbasan 2023 bonus ng mga guro, ibibigay na – Pangandaman

Inanunsiyo ng Department of Budget and Management (DBM) nitong Huwebes (Setyembre 25, na matatanggap na rin ng mga pampublikong guro ang kanilang Performance-Based Bonus (PBB) para sa taong 2023 matapos ideklarang “eligible” sa nasabing insentibo ang Department of Education (DepEd).

Ayon kay DBM Secretary Amenah Pangandaman, kinumpirma ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang eligibility ng mga empleyado ng DepEd, kabilang na ang mga guro, para mabigyan ng insentibo sa ilalim ng PBB.

Kinumpirma rin ni House Committee on Appropriations Chair Mikaela Angela Suansing sa deliberasyon ng Kamara de Representantes sa panukalang national budget sa 2026, na magpupulong ang Technical Working Group sa Setyembre 30 upang isapinal ang resolusyon para sa PBB ng DepEd.

Sa ilalim ng Memorandum Circular No. 2023-1, kuwalipikadong makatanggap ng PBB ang mga ahensiya ng pamahalaan na pasado sa “requirements” at makakakuha ng kahit 70 puntos para sa nasabing bonus. (PNA)

The post PBBM binasbasan 2023 bonus ng mga guro, ibibigay na – Pangandaman first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments