Reklamo sa baha, proyekto

Maraming taga-ParaƱaque City ang nakaka-relate kapag pinag-uusapan ang flood control scandal na kinasasangkutan ng mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH), mga contractor at ng ilang mambabatas.

Eh paano ba naman kasi, konting ulan lamang ay bumabaha na sa maraming lugar sa lungsod, kabilang na ang tapat ng isang mall sa Sucat Road. Naging viral pa nga sa social media ang naturang lugar dahil hanggang leeg ang baha kaya naman isang UV Express ang mistulang naging barko nang magpalutang-lutang ito sa baha.

Kaya naman maraming residente ng lungsod ang galit sa alkalde ng ParaƱaque City dahil hindi maresolba ang problema ng baha kahit ilang dekada na silang nakaupo rito.

Isa sa dumidikdik sa alkalde ay si Drew Uy, natalong mayoral candidate noong May 12, 2025 elections. Kahit isang independent, nakalikom si Uy ng higit 63,000 boto at pumangalawa sa nanalong si Edwin Olivarez na may higit 142,000 boto.

Ang consolation lang kay Uy, tinalo niya ang chairman ng Barangay Baclaran na si Jun Zaide na nakakuha lamang ng higit 49,000 boto.

Sa kabila ng pagkatalo, hindi nanahimik si Uy sa pagpuna sa ParaƱaque LGU tulad na lamang ng bagong post nito sa Facebook kung saan pinagpapaliwanag niya ang alkalde tungkol sa P530 milyon na umano’y double projects sa ParaƱaque City.

Binanggit nito sa post na pareho lang ang nasa likod ng AKN Construction, RNN Construction, at R.M. Nunez Construction.

“Napansin ko lang po na parehong proyekto ang ginampanan ng dalawang kompanya. Mga dalawang taon ang pagitan ng iba. Sumatutal 1.3 billion ang proyekto nila sa ParaƱaque,” ayon sa post nito kalakip ang isang datos na nakuha umano sa Project DIME ng Department of Budget and Management (DBM).

Hinikayat niya ang mga taga-Paranaque na kumpirmahin kung naging epektibo ang mga proyektong ito sa kanilang lugar.

Nagbigay din ito ng lecture sa mga residente kung paano gumagana ang mga projects. Una ay ang research, analysis at feasibility ng project sa isang lugar, ipapadala ang proposal ni DPWH sa congressman (legislative), gagawin itong batas upang mabigyan ng pondo through General Appropriations Act, matapos ang mahabang proseso, i-aaward sa contractor yung pera, may notice sa (executive) Barangay, Mayor – lalo na for traffic diversion, abiso, etc at magre-report si contractor na tapos na.

Binigyang-diin ni Uy na bilang kinatawan ng mamamayan ng ParaƱaque, dapat ay sinisita ng mayor at congressman ang nadodobleng proyekto sa lungsod.

Dapat sigurong masagot ng alkalde ang kinukuwestiyong double project sa lungsod. Hindi niya ito maaaring balewalain dahil ang pananahimik ay katumbas ng pagsang-ayon.

Sa ngayon, masasabing usok pa lang ang mga puna ni Uy pero saan ba nanggagaling ang sunog kundi sa usok, di ba?

The post Reklamo sa baha, proyekto first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments