San Lorenzo Ruiz General, Level 2 na! Mas malawak, modernong ospital sa mga Malabueño – Mayor Jeannie Sandoval

Isang bagong yugto sa sistemang pangkalusugan ang sinimulan sa Malabon matapos ang opisyal na inagurasyon ng San Lorenzo Ruiz Level 2 General Hospital (SLRGH), na magbibigay ng mas mahusay na serbisyong pangkalusugan sa mas maraming Malabueño.

Pinangunahan ni Malabon City Mayor Jeannie Sandoval ang pagbabasbas at inagurasyon kasama si First Gentleman Cong. Ricky Sandoval, na nagsulong ng pagpapataas ng antas ng ospital sa pamamagitan ng House Bill No. 5791, at mga opisyal ng Department of Health at SLRGH.

“Sa pakikipagtulungan ng Kagawaran ng Kalusugan at sa inisyatibo ng dating kinatawan ng ating lungsod, Cong. Ricky Sandoval, muli pong binuksan ang San Lorenzo Ruiz General Hospital, na ngayon ay mas moderno at makapagbibigay ng mas komprehensibong serbisyo para sa mas maraming Malabueño. Ngayon, kasabay ng mga programa ng pamahalaang lungsod, ay mas makakasisiguro ang ating mga kababayan sa kanilang kalusugan. Patuloy tayo sa pagtupad ng ating layuning mas magandang serbisyo para sa lahat,” pahayag ni Mayor Jeannie.

Ang bagong anim-na-palapag na ospital sa Panghulo Road ay may 200-bed capacity, na handang maglingkod para sa mas maraming pasyente. Mayroon itong mga modernong pasilidad gaya ng operating rooms, labor room, intensive care unit, surgery consultation room, emergency room, at maluwag na lobby — na nagsisiguro ng mas komprehensibo at de-kalidad na serbisyong medikal para sa mga Malabueño.

Bilang isang Level 2 hospital, ang SLRGH ay may mga sumusunod na serbisyo: Medicine – pagsusuri at paggamot ng iba’t ibang karamdaman; Pediatrics – kalusugan at pangangalaga sa mga bata; Obstetrics and Gynecology (OB-Gyne) – kalusugan ng kababaihan at panganganak; at Surgery – ligtas at makabagong operasyon; Anesthesiology – espesyal na pangangalaga bago, habang, at pagkatapos ng operasyon.

Mayroon din itong makabagong kagamitan para sa colposcopy, MRI, CT scan, 2D Echo, ultrasound, therapy, x-ray, clinical laboratory, at iba pang serbisyong kabilang sa Level 2 classification na magpapabuti pa ng serbisyong medikal sa mga residente. Magkakaroon din ito ng fully digital fluoroscopy machine, fully digital C-arm machine, at hystero-laparoscopy tower at instruments.

Naging posible ang pagpapalawak ng SLRGH sa inisyatibo ni Cong. Sandoval, na naghain ng House Bill No. 5791 sa ika-17 Kongreso. Sa pamamagitan nito, nagkaroon ng pondo para sa mas malawak na lugar ng ospital at pagpapatayo ng anim-na-palapag na gusali sa ilalim ng Health Facilities Enhancement Program. Noong 2019, sa bisa ng Republic Act 11289, opisyal na na-convert ang dating San Lorenzo Ruiz Women’s Hospital bilang San Lorenzo Ruiz General Hospital, na nagbigay daan sa mas mataas na antas ng serbisyo.

The post San Lorenzo Ruiz General, Level 2 na! Mas malawak, modernong ospital sa mga Malabueño – Mayor Jeannie Sandoval first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments