Stanley Pringle pinaangas kampo ng Rain or Shine

Malaking bagay ang pagdating ni Stanley Pringle para magtimon sa backcourt ng Rain or Shine.

Umaasa si coach Yeng Guiao na sa pagsampa ng veteran playmaker ay makakalagpas na ang Elasto Painters sa semifinals pagdating ng PBA Season 50.

Pasisiklabin ng Philippine Cup ang golden season sa Oct. 5.

“Parang gumagaling ‘yung mga nasa paligid niya, ano, I think that’s what Stanley brings,” balita ni Guiao sa katatapos na 2-araw na 6th PBA Media Day 2025 sa Centris QC. “He’s able to make players around him better. He can also mentor our younger guards, mga bata naming mga guwardiya maraming matututunan sa kanya.”

Popogi sa tabi ni Pringle ang mga guard tulad nina Gian Mamuyac, Anton Asistio, Adrian Nocum, Andrei Caracut.

Four-time champion na si Pringle, huli noong 2022-23 Commissioner’s habang nasa Ginebra bago trinade sa Terrafirma kasama si Christian Standhardinger noong 2024.

Hindi na ni-renew ng Dyip ang kontrata ng 38-year-old playmaker, sinalo ng RoS sa free agency nitong offseason.

Positibo si Guiao na nakahugot sila ng closer kay Stanley.

“We have a lot of games I feel we could have won, du’n sa mga end-game or du’n sa clutch situation,” punto niya. “You need somebody like Stanley to get you over and the other guys can learn from that. Maipasa niya ‘yan sa mga ibang kasama niya.”

Hindi pumalya ang Painters sa semis sa tatlong conferences ng nakaraang Season 49, lagi lang nasisipa sa TNT.

Baka panahon na ng Rain or Shine na makatawid mula sa hump. (Vladi Eduarte)

The post Stanley Pringle pinaangas kampo ng Rain or Shine first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments