Malungkot na kinando ni Alexandra “Alex” Eala ang kampanya sa 55th Women’s Tennis Association 2025 season, tumaob kay third seed Victoria Mboko ng Canada, 6-3, 3-6, 4-6, sa 12th Hong Kong Open Round-of-16 sa Victoria Park Tennis Stadium sa Hong Kong nitong Huwebes ng gabi.
Bago ang masaklap na deisyon sa singles, unang umeksit sa doubles ang Pinay tennis star at partner Hao-ching Chan ng Taiwan noong Lunes sa doubles ng weeklong WTA 250 event, nagbukas noong Oktubre 27 at matatapos sa Nobyembre 2.
Sumabak ang 20-year-old Quezon City native at Globe Ambassador sa 19 WTA tournaments ngayong taon, kabilang ang apat na Grand Slam main draw, makasaysayang pananalasa hanggang sa semis sa Miami Open at pamamayagpag para sa unang WTA crown sa Guadalajara 125 Open sa Mexico noong Setyembre.
Pero kung may nasisilip ang kanyang mga fan sa wakas ng kampanya niya sa huling WTA netfest, ito ay ang posibilidad niya na paglalarong muli sa national team para sa 33rd SEA Games sa Thailand sa Disyembre 9-20. (Ramil Cruz)
The post Alexandra Eala babu na rin sa Hong Kong Open first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments