Sa isang panayam ay natanong si AZ Martinez kung gaano kasaya ang kanyang puso.
Ani ng former PBB housemate ng Celebrity Collab edition, “sobrang saya ko po ngayon, hindi ko po ma-distinguish, e.”
May serye ang young actress kung saan kasama niya ang halos lahat ng mga nakasama niya sa celebrity collab ng ‘Bahay Ni Kuya.’
Magla-lock in taping umano ang grupo.
Excited na si AZ dahil muli raw silang magkakasama ng mga dating housemate.
“Actually, para lang kaming magba-bonding like noong nasa loob kami ng ‘Bahay ni Kuya,” lahad niya.
Hinggil naman kay River Joseph na pinuputakte ng basher dahil sa GF, aniya, “Bilang kaibigan ni River, naka-full support ako sa kanya.”
“Lahat naman ng mga ‘yan alam kong malalampasan niya, andito lang naman ako as a friend niya,” sey pa ni AZ sa
launching niya bilang Face of KSerene. (Beth Gelena)
The post AZ Martinez excited ‘makulong’ first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments