Wawao Builders nabuking sa kawayan na materyales ng P77M flood control sa Quezon

Nabisto ang depektibong flood control project ng isa sa mga Top 15 contractors na pinangalanan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na nakakuha ng bilyon-bilyong kontrata sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sa eksklusibong ulat ng Bilyonaryo News Channel (BNC) nitong Linggo, Oktubre 12, nagkakahalaga ng mahigit P77 milyon ang substandard flood control project ng Wawao Builders sa General Luna, Quezon.

“Ayon sa DPWH (Department of Pub, quality at may standards na sinusunod sa mga materyales para sa mga itinatayong flood control project. Pero ang isang proyekto sa General Luna, Quezon Province, imbes na bakal, natuklasan na kawayan umano ang ginamit bilang pangsuporta,” saad ng BNC.

Base sa mga nakalap na impormasyon ng BNC, giniba na ang proyekto ng Wawao Builders na kamakailan lang ay nag-viral dahil imbes na de kalidad na materyales ang laman ay natuklasang kawayan ang nakapaloob sa semento.

Dagdag pa sa ulat ng BNC na noong Agosto ay nanawagan na si dating General Luna Mayor Matt Florido na magsagawa ng inspeksiyon sa nasabing flood control project ng Wawao Builders dahil sa mga nakitang malalaking bitak, may mga nakalitaw na bakal at kawayan na nakapaloob sa istraktura.

“By late August, sinulatan ng DPWH-Quezon 3rd District Engineering Office ang Wawao Builders at ang authorized managing officer nito na si Mark Allan Arevalo,” ayon sa BNC.

Nalaman na under warranty pa ang proyekto at taliwas din ang nakita ng DPWH sa contract documents nito na dapat ay walang depekto kung kaya’t inatasan ang Wawao Builders na tanggalin at palitan ang istraktura.

Noong Setyembre 10 umano giniba ang depektibong flood control project.

Ayon pa sa ulat, base sa mga dokumentong nakalap ng BNC, mahigit P8 bilyon ang kabuuang pondo ng public works projects ang inilaan para sa nasabing distrito ngayong 2025.

May ilang mga residente rin ang nagsumbong sa BNC ng mga posibleng maanomalyang infrastructure projects sa kanilang bayan.

The post Wawao Builders nabuking sa kawayan na materyales ng P77M flood control sa Quezon first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments