Bagyong Paolo raratsada sa Central, Northern Luzon

Tuluyang naging bagyo at pinangalanang “Paolo” ang low pressure area na nabuo sa Philippine Area of Responsibility (PAR) na inaasahang tatawirin ang Central at Northern Luzon bago tumungo sa Vietnam-Hainan area, ayon sa ulat ng Pagasa nitong Miyerkoles, Oktubre 1.

Ayon sa Tropical Cyclone Bulletin No. 2 na inilabas ng Pagasa alas-singko ng hapon, lumakas ang Bagyong Paolo habang kumikilos sa direksyong kanluran pahilagang kanluran ng Philippine Sea.

Naispatan ang sentro ng bagyo sa layong 665 kilometro silangan ng Virac, Catanduanes.

Nakataas na ang Signal No. 1 sa hilagang bahagi ng Catanduanes, partikular sa Pandan, Bagamanoc, Panganiban, at Viga.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 55 kilometer per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 70 km/h. Kumikilos ito pakanluran sa bilis na 25 km/h.

Ibinabala ng Pagasa ang Signal No. 3 na posibleng pinakamataas na wind signal kung magpapatuloy ang pananalasa ng Bagyong Paolo sa bansa.

Batay sa pagtataya ng ahensiya, maaaring mag-landfall ang Bagyong Paolo sa Isabela o Aurora sa Biyernes (Oktubre 3) ng umaga o hapon. Inaasahang lalabas na ito ng PAR sa Sabado (Oktubre 4) ng umaga. (Dolly Cabreza)

The post Bagyong Paolo raratsada sa Central, Northern Luzon first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments