DOF itataas limit sa benepisyong walang buwis

Sinabi ni Finance Secretary Ralph G. Recto na pinag-aaralan ng pamahalaan ang pagtataas ng mga ceiling sa tax-exempt benefits para sa mga manggagawang Pilipino sa gitna ng galit ng mga tao sa korapsiyon sa Department of Public Works and Highways (DPWH)

Bagama’t kapangyarihan ng Kongreso ang magtaas ng buwis o magbigay ng mga tax exemption, nasa Department of Finance ang kapangyarihang magtaas ng limit sa tax exemption ng mga fringe benefit sa pamamagitan lamang ng paglalabas ng revenue regulations.

“Lagi po nating hangarin na mapagaan ang pasanin ng mga taxpayers. Sa proposal na ito, gusto nating maramdaman talaga ng taumbayan ang ginhawa dahil mas lalaki ang maiuuwi nilang kita at matutulungan nitong maibsan ang gastusin nila sa araw-araw,” sabi ni Recto.

Ayon naman kay Pangulong Ferdinand “Bongbong Marcos” Jr., magkakaroon lamang ng minimal na epekto sa kita ng pamahalaan ang mga inaasahang pagbabago ngunit magdudulot ito ng malaking pakinabang para sa mga manggagawa. (Eileen Mencias)

The post DOF itataas limit sa benepisyong walang buwis first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments