Hinamon ni House Deputy Minority Leader at Mamamayang Liberal party-list Rep. Leila De Lima si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na patunayan na hindi siya katulad ng kanyang pinalitan at isapubliko ang kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net worth (SALN).
Sinabi ni De Lima dapat ding himukin ni Marcos ang mga mi¬yembro ng kanyang gabinete na gawin din ito bilang patunay ng kanyang commitment sa transparency.
“Tutal sinama na rin naman ng administrasyong ito ang isinusulong natin na Freedom of Information Act as one of its priority measures this 20th Congress, the President should demonstrate his sincerity and commitment to transparency and accountability by disclosing his SALN and encouraging his Cabinet to do the same,” giit ni De Lima.
“Patunayan niyang iba siya sa sinundan niya na galit sa korapsiyon kuno pero isinikreto lang ang SALN, kasama ng protektor niyang Ombudsman. Hindi puwedeng hanggang salita lang ang paglaban sa korapsiyon, ‘yung biglang kambyo at ang dami pang kuskos-balungos sa simpleng paglalabas ng SALN,” dagdag pa nito.
Iginiit ni De Lima na dapat ding isulong ni Marcos ang isang all-out war laban sa korapsiyon. (Billy Begas)
The post De Lima kay Marcos: Hindi puwedeng salita lang laban sa korapsiyon first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments