DTI haharangin 5% taas presyo sa pang-Noche Buena

Kinakausap na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga manufacturer na huwag magtaas ng presyo ng kanilang produkto ngayong papalapit na Kapaskuhan.

Ang hakbang ng DTI ay bunsod ng ulat na binabalak ng mga manufacturer na magtaas ng 5% sa presyo ng kanilang produkto upang makabawi sa pagtaas ng gastos sa produksiyon.

“Every year they always ask for increase, parang normal na ata ‘yun na hiling nila, but this time we are asking them na no price increase,” wika ni Trade Secretary Cristina Roque nitong Huwebes.

Isa sa tinuturong dahilan ng pagtaas ng presyo ng produkto ay dahil sa dagdag-sahod sa mga manggagawa, pero ayon sa DTI, may ilang manufacturer na ang nangakong hindi sila magtaas ng presyo.

Katulad na lamang ng isang gumagawa ng ham na nangakong hindi magbabago ang kanilang presyo sa Kapaskuhan.

“Meron akong nakakausap that will not have any price increase. Meron isa na magro-rollback, so that’s actually good news,” paglalahad ng kalihim.

Bago sumapit ang Nobyembre, ilalabas ng DTI ang Noche Buena price guide.

The post DTI haharangin 5% taas presyo sa pang-Noche Buena first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments