Mga laro ngayong araw, Huwebes
(Smart Araneta Coliseum)
1:30 pm – Cignal vs Farm Fresh
4 pm – Capital1 vs Nxled
6:30 pm – PLDT vs Choco Mucho
Sa inaasahang pagkayod muli ni Helene “Eli” Rousseaux, puntirya ng Farm Fresh na makasabay sa mga nangunguna kapag nakaharap ang nahihirapang Cignal ngayong Huwebes sa 8th Premier Volleyball League 2025 Reinforced Conference Pool A prelims sa Araneta Coliseum.
Malaki ang kagalakan ng Foxies (1-0) pagkatabig sa 4-set kontra Nxled, na pinasimulan ng kamangha-manghang 38-point game ni Rousseaux – nagtakda ng maagang pamantayan para sa mga dayuhang manlalaro.
Sa suporta nina Trisha Tubu, Ces Molina, Rizza Cruz, Lorene Toring at Fil-Am Alohi Robins-Hardy, muling magiging sentro ng atensyon si Rousseaux sa ala-1:30 nang hapong laban sa Super Spikers na natalo sa Choco Mucho na walang import.
Pero tiyak na babawi I Eva Chantava ay nakapagtala lang ng 10 puntos sa larong iyon, habang si Vanessa Gandler magpakitang gilas uli pagkaiskor ng 15. Pero mas maraming kakailanganin mula kay Chantava at sa iba pang katropang sina Erika Santos, Erin Pangilinan, Jackie Acuña, Heather Guino-o, at Gel Cayuna – upang mapigilan ang lumalakas na Foxies.
Magtutuos din sa alas-4:00 nang hapon ang Nxled (0-1)-Capital1 (0-1) sa labanan ng mga natalo sa unang laro, at sa alas-6:30 nang gabi ang PLDT (1-0)-Choco Mucho (1-0) sa taunang komperensya na inoorganisa ng Sports Vision Magament Group, Inc. at mga sinusuportahan ng ICTSI, Milcu, Mikasa, at Fabriano Appliances. (Abante Tonite Sports)
The post Eli Rousseaux aararong muli sa Foxies pagharap sa Cignal first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments