Hindi na nagulat si Senador Erwin Tulfo sa inihaing quo warranto petition ng disbarred lawyer na si Berteni Cataluña Causing sa Senate Electoral Tribunal (SET).
Ayon kay Tulfo, paulit-ulit na umano na naghain ng disqualification case laban sa kanya at ibinasura na lahat ng ito.
“Aware naman na po tayo na may nakabinbin na ganito sa SET at handa po tayong harapin ito,” sabi ni Tulfo sa isang pahayag nitong Lunes, Oktubre 27.
“Matatandaang kaparehong tao rin po, na isang disbarred lawyer, ang paulit-ulit na nag-file ng disqualification case laban sa akin noong panahon ng kampanya kaya `di na rin po tayo nagulat. At lahat po ng DQ [disqualification] cases na isinampa ng taong ito laban sa akin ay dismissed na,” dagdag pa niya.
Gayunpaman, sinabi ni Tulfo na hindi siya natitinag sa quo warranto case na ito at magpapatuloy lang siya sa kanyang trabaho bilang isang senador.
“Sa kabila ng lahat ng ito, tuloy lang po tayo sa trabaho. Inihalal po tayo ng taumbayan para maglingkod at yun ang patuloy nating ginagawa,” ani Tulfo.
Sa pagdinig ng panukalang pondo ng SET, binanggit ni SET Deputy Secretary Eleanor Francisco-Anunciacion ang impormasyon na may quo warranto petition laban sa isang miyembro ng Senado na inihain noong Hulyo 15, 2025 dahil sa isyu ng citizenship.
Hindi naman pinangalanan ni Anunciacion kung sino ang senador subalit sa slide presentation, nakasaad doon ang inihain ng disbarred lawyer na si Causing na quo warranto case laban kay Tulfo.
Nakabinbin pa rin hanggang ngayon sa SET ang naturang petisyon at kasalukuyang isinasailalim sa preliminary actions salig sa procedures at rules ng tribunal. (Dindo Matining)
The post Erwin Tulfo kinasahan citizenship isyu first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments